Deadly 36: Underground Ball

787 59 0
                                    

Kiana's POV

I stared at the long black gown in front of me. It's sleeveless and has a long slit at its right side. Matapos kong suriin ang itsura nito at masiguradong kakasya sa akin, humilata na ako sa kama ko.

Dumating ang damit na 'yan kanina. Pinadala 'yan ng mommy ni Kaye kahit hindi naman namin hiningi. I thought they are against of us going to the ball but it looks like they already accepted the fact they they can never stop us.

I stared at my room's ceiling and suddenly remembered what we did few days ago. Matapos naming gawing kakampi ang mga heirs, hindi na kami nagparamdam sa kanila.

I'm planning to make them stop the gang fights and they'll also be our support during the Underground Ball. Iyon lang ang magiging lugar nila sa mga plano ko dahil alam kong may posibilidad na magtraydor ang iba sa kanila.

The Dark Kings suddenly came inside my mind. Natawa ako nang bahagya nang maalala ang mga itsura nila noong huli namin silang nakita sa GCU. They looked confused, bothered and shocked. Well, I just did that to divert their attention for the meantime. Hindi nila maaaring malaman na kami ang Queens nang maaga. Hindi pa din maganda ang pakiramdam ko sa kanila.

Naputol naman ang pag-iisip ko ng kung ano-ano nang bigla akong may marinig na mga yabag mula sa labas. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Kaye na humahangos pa. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at napakunot noo.

Anong problema ng babaeng 'to? Para siyang tumakbo sa isang daang metrong palayan.

"Ano—"

"May kailangan kang makita!"

"T-teka!"

Namalayan ko na lang na hinila na niya ako patayo at palabas ng kwarto ko. Kahit nagtataka, sumama na lang ako sa kanya. Pero bakit kaya parang nagmamadali siya? Papakainin niya ba ako dahil iniisip na naman nilang nagugutom ako?

Hayst. Ito talaga.

But I immediately frowned when I saw Gelo and Gwen in our living room. GG love team is here?

Binitawan na ako ni Kaye kaya naiwan akong nakatayo sa dulo ng hagdan. I looked at them while frowning. Napansin ko kaagad ang mga seryoso nilang itsura kaya tumawa ako kahit nakaramdam na ako nang kakaiba.

"Anong itsura 'yan?" natatawa kong tanong.

Nagkatinginan sila kaya kaagad akong napatigil sa pagtawa. I breathed out and looked at them with narrowed eyes.

"What is it?"

Imbes na sumagot, may inabot sa akin si Gelo na isang black envelope. Bigla akong kinabahan sa 'di malamang dahilan pero kinuha ko pa din iyon.

"Someone left that outside the headquarters of Gehenna. Ang sabi is 'To Kithania Rose' so pumunta kami dito para ibigay sayo," sabi ni Gwen at napatingin ako sa envelope.

"Tinignan niyo ang nasa loob?" tanong ko at tumango sila. "Anong laman?"

"Look for yourself, Kiana," sabi ni Yumi.

Hindi na ako sumagot at pinigilang manginig habang binubuksan ang envelope. Nilabas ko mula doon ang isang papel at nakitang may nakasulat doon. My heart started beating fast when I saw what's written on the paper.

"Hi, Ate! See you in the Underground Ball!"

—Shawn Theodore Zedler

---

I looked at myself infront of the whole body mirror. Suot-suot ko na ngayon ang gown at may light make-up na nakalagay sa mukha ko. Nakatali din nang mataas ang buhok ko at nakasuot ako ngayon ng three inches na heels.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now