Deadly 29: Awakened Demon

850 55 2
                                    

Kaye's POV

"Find my granddaughter! Find Rose or I will screw all of you!"

Dumagundong yata ang buong mansion dahil sa lakas ng sigaw ni Lolo. Because of that ay napaatras ang mga tauhan ni Daddy at kaagad na tumango-tango.

"Y-yes, sir!"

Pagkaalis ng mga tauhan ng Gehenna ay kaagad na lumapit si Mommy kay Lolo. Yumi, Alex and I kept our silence habang nakatayo at nakatingin lang sa kanila.

"Dad, calm down. Rose will be okay."

"Ginagawa na din ng mga tauhan ko ang lahat para mahanap si Kithania," sabi ni Tito Andrew and Mommy just smiled.

"Wala ba talaga kayong idea kung saan siya pwedeng pumunta?" tanong ni Daddy sa aming tatlo.

Sabay-sabay naman kaming umiling kaya napabuntong hininga siya. Bigla namang sumabat si Giovanni kaya napatingin kami sa kanya.

"We're also doing our best to find her, sir," singit niya sa usapan.

I rolled my eyes. Hindi ko alam kung bakit nandito sila at nakikigulo sa problema namin. Pero hindi naman iyon ang mas dapat naming isipin.

"Sitting on the couch is a way of finding her? Nice," Yumi said with sarcasm.

Or maybe ako lang ang nag-iisip no'n.

"Tumutulong kami tapos kayo pa galit? Galing naman!" sarcastic na sabi din ni Stephen.

"Sino bang may sabing kailangan namin ang tulong niyo?" banat naman ni Alex.

Nang mapansing may sasabihin sana si Ethan ay sinamaan ko na sila ng tingin. Hindi ba pwedeng tumigil sila kahit ngayon lang?

"Pwede bang tumigil kayo? My cousin is missing and you are using your times arguing here instead of finding her," sabi ko. "Umalis na kayo kung 'yan lang ang kaya niyong gawin."

Natahimik naman sila kaagad at nang tumingin ako kay Stephen, itinaas niya kaagad ang mga kamay niya like surrendering to a police. When I looked at Yumi na siyang nagsimula, she just shrugged.

Good. Mukhang madali din naman silang kausap. Kailangan lang pa lang magseryoso ako para manahimik sila.

"Only two days have passed," biglang sabi ni Mommy. "Rose is a strong woman so I'm sure she's fine."

Nagkatinginan kami nila Alex at Yumi dahil sa sinabi ni Mommy. We all know that. Pero sa kanilang lahat ay kami ang mas nakakakilala kay Kiana. At mayroong dalawang bagay kaming pinag-aalala.

One of it is her self-control. Kapag galit siya o may bagay na nangyari at hindi niya ito gusto o kapag naguguluhan siya at natataranta, madalas siyang nawawalan ng kontrol. Dahil doon ay madalas niyang nasasaktan ang sarili niya. And I'm sure she's mad right now.

Nalaman naming namatay si Lily Cuevas, which is naging lola-lolahan ni Kiana noon. And just yesterday, natagpuan namin ang bangkay ni Lorenzo Pascual. That's a double kill for her. So it's possible na kung nasaan man si Kiana ngayon ay sinasaktan niya ang sarili niya or worse, binabalak niyang patayin ang sarili niya.

And another thing that we are worrying is about the kind of Kiana that we'll meet when she comes back. Kung hindi siya magpapakamatay, sigurado kaming ibang Kiana ang makikilala namin.

---

Tahimik lang kaming tatlo habang nandito sa sala and doing our usual things to get boredom away. Nagbabasa ulit si Yumi ng isang libro. Nanonood naman si Alex sa TV ng mga action movies na syempre, puro patayan at dugo na naman. And me? Hawak ang phone ko at nagba-browse lang.

4 Deadly Queens حيث تعيش القصص. اكتشف الآن