Deadly 54: General 2

621 40 2
                                    

Kaye's POV

"So, it means that the Generals are somehow connected to the Montefalco's?" tanong ni Yumi habang nakatingin sa notebook na dala-dala ni Kiana nang makauwi siya.

Nagulat nga kami dahil pagkagising namin ay nandito na siya. At may dala siyang magandang balita. Nakakuha siya ng leads. Nagulat kami dahil may alam pala si Tita Igraine sa mga Generals.

Tumango lang nang bahagya si 'Insan. Kinuha ni Alex ang notebook at siya naman ang sumuri nito.

"Pero teka, bakit nawawala 'yung kalahati?" tanong niya kaya napatingin din ako doon.

"Oo nga, ano?"

Napakamot na lang si Kiana sa batok niya. Ano ba naman 'yan?! May maganda ngang balita, pero may masama din. 'Di ako gayahin, puro ganda lang.

"Hindi ko alam kung nasaan ang kalahati n'yan. Hindi ko nga napansin na nawawala pala ang kalahati n'yan nang tinago 'yan ni Mama pagkatapos niyang ipakita sa akin noon," she said.

Napunta na naman sa kamay ni Yumi ang notebook kaya kumunot ang noo ko. Pasa-pasahan lang, gano'n?

"Don't you think that the half of this is in your brother?"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Yumi dahil sa tanong niya.

"What? It says here that this notebook belongs to Kiana and to Shawn. It means, hindi lang ito kay Kiana."

"Eh paano mo nasabing na kay Shawn ang kalahati?" tanong ko.

Napasapo naman si Yumi sa noo niya samantalang binatukan ako ni Alex. I glared at her at inirapan niya lang ako. Bakit ba?

"Baka binigay ng Mama mo sa iyo 'yung kalahati at 'yung kalahati naman kay Shawn," sabi ni Alex.

Nanahimik na lang ako at tumango-tango sa pinagsasasabi nila. Kiana only nodded na parang sinasabing sumasang-ayon na lang siya sa mga sinasabi nila.

"So ano? Hahanapin natin si Shawn?" tanong ko.

Tumingin naman silang tatlo sa akin kaya napatikom ang bibig ko. Bad mouth! Sabi nang tatahimik eh.

Kiana shook her head. "Hindi. Nasa atin na ang apat, tatlo na lang ang kulang. We would bring down that four people first before searching for my brother. Kung uunahin natin ang paghahanap sa kanya, matatagalan tayo. We should do our... priorities first."

Medyo humina ang boses ni Kiana sa huling dalawang salitang binanggit niya. Nag-iwas na lang kami ng tingin at tumango. We know she's worried. We can feel it. Pero tama din naman siya. Pwede naming hanapin si Shawn pagkatapos naming ma-eliminate ang apat na taong nasa notebook.

But I disagree with the 'priorities' na sinabi niya. Because family is the top priority, right? Pero hindi na ako aangal. Hindi ko din naman gets 'yung sinabi ko.

"We are done with Francisco Villareal. Anong gagawin natin dito sa Magda Avelino na ito?" tanong ni Alex.

Kinuha ko naman ang notebook sa kamay ni Yumi at binasa ang mga nakasulat. Ang apat na taong ito, lahat sila ay nagkaroon ng koneksyon sa pamilya ng mga Montefalco, sa pamilya namin. But especially with Tita Igraine.

"Tinulungan noon ni Tita Igraine si Magda Avelino sa pagpupundar ng pondo para sa unang pangangampanya niya. Siya din ang nag-udyok dito na pumasok sa politika. Pero nang manalo ito ay naging ganid ito sa pera at kapangyarihan. Nang makita ni Tita Igraine na hindi na deserving pa si Magda Avelino, hindi na niya ito muli pang tinulungan. Kaya sa unang pagkakataon, natalo si Magda Avelino. Pero nanalo naman ito ng sumunod na taon at siguro dahil dito, naisip niyang hindi niya kailangan ang mga Montefalco. And yet, nagtanim siya ng galit sa mga ito, especially to Tita Igraine," sabi ko kaya napatingin na naman sila sa akin.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now