Deadly 63: Traitor

735 46 11
                                    

Alex's POV

Nilibot ko ang tingin ko sa bago naming bahay. Mataas ang kisame at may mamahaling chandelier sa gitna. May dalawang palapag din ang bahay na 'to. Halata ding bago lahat ng gamit kahit matagal nang naitayo.

The house looks so luxurious. Hindi na ako nagtaka. Ipatayo ba naman ng Montefalco Crown?

"Montefalco is really damn rich," sabi ni Yumi at naupo sa sofa dito sa sala.

Umupo din naman ako sa tabi niya kasabay ng pagpasok no'ng magpinsan. I took my laptop out of my bag and placed it on the center table. Nagtipa lang ako ng ilang segundo at doon na lumabas ang blueprint ng bago naming bahay.

"Grabe. Mas malaki pa 'to sa dati nating bahay," sabi ni Kaye at umupo na din.

"What can you say, Kiana?"

Napatingin na din kami kay Kiana dahil sa tanong ni Yumi. Hawak niya ang isang maleta niya at bumuntong hininga.

"Masyadong malaki ang bahay na 'to. Pwede bang mag-rent na lang tayo ng appartment? Or condo?"

Humablot naman si Kaye ng isang throw pillow at binato kay Kiana matapos niyang sabihin 'yon. Sinalo lang naman 'yon ng bruha.

"Baliw ka ba?! Bakit pa tayo magre-rent kung binigyan naman tayo ng bahay?"

She shrugged. "Ayoko sa bahay na 'to."

Napailing-iling na lang ako. We already expected that since this house is owned by the Montefalcos. Kahit isa ding Montefalco ang babae na 'yan, ayaw na ayaw niyang nakikita kung gaano kayaman ang pamilya nila. We can't blame her though.

"Sabi ni Lolo Miguel, mas malaki ang ref ng bahay na 'to kaysa doon sa ref natin sa dati nating bahay. Mas malaki, mas maraming stock ng pagkain," kibit balikat na sabi ko.

"Sabi ko nga gusto ko eh!"

We just rolled our eyes. Tinawag ko naman sila at kaagad silang lumapit. Yumi went in my left side while Kaye is sitting on my right side. Umupo naman si Kiana sa sandalan ng sofa na kinauupuan namin. Bale nasa taas ko siya.

I showed them the blueprint of our current house.

"Iyan ang bahay natin. Mas maganda nang pag-aralan natin 'yan ngayon para malaman natin kung anong kailangang i-improve."

Tumango-tango naman sila. Since madali lang na napasok ang dati naming bahay, we need to be extra careful this time. Hindi na namin pwedeng hayaan na mapasok na naman ng kung sino-sino ang bahay namin.

"Sabi sa akin ni Mommy, may anim na kwarto sa taas at dalawa dito sa baba. May kanya-kanyang banyo ang bawat kwarto at may isang separate pa ding banyo na malapit sa kusina dito sa baba. Iyong pinakadulo naman na pinto sa left side ng hallway sa second floor, iyon ang library," sabi ni Kaye.

I saw how Yumi smiled when she heard about the library.

"May study room din tayo sa itaas at katabi lang 'yon ng library. Well it's more like a meeting room dahil sound proof ang mga pader at doon tayo pwedeng magplano kung sakali," sabi ni Kaye.

Partida, ano? Narinig niya lang daw 'yan. Hindi na ako nagtaka. She can easily memorize things or words even if she just heard and saw it once.

Tumingin naman ako sa blueprint at tinuro ang isang bahagi ng bahay na nasa ibaba.

"Girls, look at this. Mukhang may basement na itinayo sa ibaba ng bahay."

"Isa pa 'yan. Ang basement na 'yan ang magsisilbing base natin. Ang sabi ni Daddy, halos katulad lang daw n'yan ang base natin sa dati nating bahay. Ang kaso mas malaki 'yan at mas madaming laman," sabi ni Kaye kaya napatango-tango kami.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now