Deadly 8: Activities

1.5K 67 1
                                    

Kiana's POV

I immediately felt pain the moment I opened my eyes. Sumasakit ang buong katawan ko at kaagad ko namang naalala kung bakit. My eyes immediately adjusted to the light and when I saw the white ceiling, alam ko na kaagad na nasa Montefalco Hospital ako.

Pinilit kong umupo sa kama. I can feel pain but it's nothing to me anyway.

"The stupid lady is finally awake."

Natigilan naman ako nang marinig ang boses ni Yumi. Napalunok ako habang mabagal na tumingin sa tatlong babaeng nakatayo sa gilid ng kama. I swallowed hard once again when I saw their sharp eyes and arching brows.

Pero 'di ko mapigilang mapakunot noo nang maalala ang sinabi ni Yumi. Stupid lady?

"A-ako?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.

Umirap si Kaye. "Sino pa ba?"

"Hindi naman ako stupid ah!"

"You are not stupid because you are very stupid," Alex said, emphasizing every word. "Ano bang naisip mo at kumilos ka mag-isa?"

"You should've waited for us!" Yumi added.

Natahimik naman ako at napaiwas ng tingin. I admit that what I did was a selfish move, but if it will happen again, I won't hesitate to do the same thing.

Bumuntong hininga ako. "I'm sorry."

Hindi na ako nagrason pa dahil alam ko naman kung saan nanggagaling ang inis nila. Wala akong balak mag-explain o ipagtanggol ang sarili ko dahil unang-una, kasalanan ko naman.

I heard their sighs and in just a snap, nakayakap na sila sa akin. Napangiti na lang ako at tinapik-tapik ang likod nila. Sabi ko na nga ba at hindi din ako matitiis ng tatlong 'to.

Kinilig naman daw ako.

"Huwag na huwag mo nang gagawin iyon! At kung pwede, kung may plano ka tumawag ka!" sabi ni Kaye.

I chuckled. "Okay, okay."

Dumating ang doctor ko at tinignan niya ang lagay ko. He said that I'm completely fine and all I need is to take a rest. Para namang nakahinga nang maluwag sila Kaye.

Umalis na iyong doctor habang kumain ako ng orange. But I also looked at the girls when I felt their stare. Napabuntong hininga na lang ako nang maintindihan ang mga tingin nila.

They want to know what really happened.

"I was waiting outside when a car and a van suddenly passed  near Forsten. Hindi ko na dapat papansinin pero nakilala ko iyong van na siya ding nakita natin doon sa footage na binigay ni Gelo. Doon ko sila sinundan," sambit ko at napangiti. I continued explaining with hand gestures. "Sinundan ko sila hanggang sa makalabas kami ng Cannon Road. Nang makarating kami sa highway, mukhang doon lang nila ako napansin. They started firing at my car but it looks like they don't even know how to hold a gun. I was really nervous during that time because I might lose them again and ugh, I really did."

I sighed while still smiling. "Sayang."

Tumingin ako sa kanila pagkatapos kong magkwento at hindi maiwasang magtaka nang mapansing kakaiba ang mga tingin nila.

"May problema ba?"

"Kiana," Kaye said, "bakit ka ganyan?"

I frowned. "Ha? Anong bakit ako ganito?"

"You sound excited. And while you were speaking, you were smiling as if something wonderful just happened," sambit ni Yumi. "You don't look upset or mad at all, with the fact that you weren't able to capture them."

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now