Deadly 12: Thank You

1.1K 65 9
                                    

Kiana's POV

"Just pour some water on it but not too much. You might drown the roots that will make the flowers die."

"Wow. Nalulunod pala ang mga ugat? Saan mo nabasa 'yan?" I asked.

Yumi just rolled her eyes at me so I pouted. Ano na naman bang problema niya? Nagtatanong ako nang maayos tapos ganyan siya.

"Enough."

Tinigil ko na ang pagdilig sa ilang halaman gamit ang watering can. Napaisip naman ako bigla. Bakit kaya watering can? Hindi naman hugis lata 'to. Hugis pitcher naman ito kaso mas mahaba 'yung nguso niya tapos may mga butas.

I am using a watering can while Yumi is using a hose. Ang daya nga eh. Mas madaling gamitin iyong sa kanya at mas malakas iyong tubig.

Well, we are currently in our house's backyard and watering Yumi's plants. It's monday but we didn't go to school. Sa umaga lang naman may klase at sa hapon, puro training na para sa Foundation Day. I don't even know why they do trainings about that. And besides, tinatamad kaming pumasok.

"Yumi! Yumi! Nalulunod 'yung lupa!"

Nataranta ako bigla nang makitang iyong pasong diniligan ko ay parang binaha. Nasobrahan ko ba sa tubig o talagang mabagal lang sa pagsipsip iyong mga ugat?

She looked at me like I'm the most ignorant person in the world and said, "Just let it be. The roots will absorb the water so calm down, Kiana."

"Ang taray naman nito. Atsaka mahinahon naman ako, ah?"

And for the second time around, inirapan na naman niya ako. Hindi ba siya natatakot na baka hindi na bumalik sa dati 'yung mga mata niya dahil sa kakairap? Kapag nangyari iyon, tatawanan ko talaga siya. Duling na eh.

Mabuti na lang at hindi gaanong maaraw kahit na halos tanghali na. May sinag naman ng araw pero hindi mainit.

When I looked at Yumi, she's watering other plants. Kalmado lang siya at kapag makikita mo siya, makikita mo talagang gusto niya iyong ginagawa niya. Bukod kasi sa pagbabasa, kinaaadikan niya din ang mga halaman. Maybe that's also why green is her favorite color.

She also planted different plants and flowers here in our backyard and take care of them every Saturday. Nagandahan din naman ako kaya ako tumutulong sa kanya minsan sa pagdidilig o pagtatanim din ng seeds ng iba pang bulaklak.

Kaso nga lang no'ng una, halos mamatay ako sa sama ng tingin ni Yumi nang 'di sinasadyang habang nagdidilig ako, nasagi ko ang isang paso at nahulog. Meron din 'yung time na nagti-trim kami ng mga halaman ay nagupit ko iyong stem ng tatlong bulaklak. Meron din iyong araw na nakaapak ako ng mga bulaklak at naputol ang stems nila.

Yumi almost killed me but I'm glad she didn't. Sayang naman ang kagandahan ko, hindi na makikita ng mundo.

We continued watering the plants. At ilang ulit ko na sigurong naisigaw ang pangalan ni Yumi sa tuwing bumabaha sa mga paso. Bakit ba kasi ang bagal mag-absorb ng tubig? Pati ba naman mga ugat tinatamad din?

While watering the plants, we suddenly heard a screech behind us. Yumi and I immediately looked back and we were shocked to see a motorcycle lying over a bunch of Yumi's flowers. Nayupi ang karamihan sa kanila at mukhang hindi na maisasalba pa.

"O-oops.. "

We looked at Kaye. Napalunok siya at mabilis na itinayo ang natumbang motor. Halos mapangisi-ngisi naman ako. Mukhang magkakaroon ng live action ngayon, ah?

Yumi glared at her. "What did you do?"

"I-ipa-park ko lang naman itong big bike ko kaso natumba," sambit niya.

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now