Deadly 33: Saving The Heirs

832 59 1
                                    

Kaye's POV

"Hindi ko talaga gets," sabi ko at nakita ko ang sabay-sabay nilang pag-face palm.

"Ilang beses na yata naming in-explain sayo eh!" naiinis na sabi ni Alex.

Napasimangot ako. Kasalanan ko bang 'di ko gets 'yung pattern na sinasabi ni Kiana tungkol doon sa pagkawala ng mga heirs?

"Explain it to her before I rip her head off, Kiana," sabi ni Yumi at binelatan ko siya.

Inirapan niya lang naman ako habang tumango na lang si Pinsan at natawa.

"Okay, okay," natatawang sabi ni Kiana at nilapag sa harap ko 'yung papel na sinulatan niya kanina. "Look at the first report. The heir of Constel Mafia, siya ang pinakaunang nawala. Nawala siya ng July 19 sa oras ng alas-otso. Nineteen is an odd number, keep that in mind. Next is July 21, which is an odd number, too. Ang twenty-one ang susunod na odd number sa nineteen. At ang susunod ay July 27. Nag-skip sila ng dalawang odd number. They take two consecutive odd numbers then skip two odd numbers. Gano'n ang pattern ng date. While in time, they started at exactly 8:00 pm and the next one is 9:00 am. Nag-a-add lang sila ng ng isang oras at salitan lang ang umaga at gabi. After PM, AM ulit. After 8:00, 9:00 naman. Nag-start siya sa 8:00 at naghuhuli sa 2:00 then start in 8:00 again. That's the pattern. Gets?"

Tumingin sila sa akin kaya kahit hindi ko naintindihan, tumango na lang ako. It's not important naman na ma-gets ko, right?

"Tatango-tango ka dyan pero ang totoo hindi mo naman naintindihan. Kilala ka na namin, hoy!" sigaw ni Alex na may halong pang-aasar.

Mabilis kong hinablot ang mga folder sa lamesa at akmang ihahampas sa kanya nang tumayo siya at lumayo. She stuck her tongue out at nginisian ko na lang siya.

"Tatakbo ka? Baka nakakalimutan mong ako pinakamabilis dito?" ngisi ko sa kanya na kinalaki ng mga mata niya.

Kaagad akong tumayo pero bago pa man kami makapaghabulan ni Alex dito sa base ay nagsalita na si Yumi.

"Continue that and I swear, the both of you won't join the mission this time."

Kaagad naman kaming bumalik sa mga upuan namin. Bukod sa nakakatakot si Yumi ngayon, na hindi naman big deal, gusto kong gawin ngayon 'yung mission. Makakapaghintay pa naman ang pananapak ko kay Alex.

Tumingin naman ako kay Kiana na tumawa lang. Nababaliw na naman.

"Anong plano?" tanong ko.

Kumunot naman ang noo ni Kiana dahil nakatingin ako sa kanya.

"Bakit ako tinatanong mo?" she asked while smirking.

"Dapat bang ako?" sarcastic naman na sabat ni Alex.

"Or should it be me?" naiinis naman na wika ni Yumi.

Tumawa si Kiana. "Alangan? Utak ka ng grupo, Hallifar!"

Yumi rolled her eyes. "Stop that bullshit, Kiana. I'm just a support of yours and the true brain of this group is no other than 'you'."

"Ay gano'n? Oh sige, ito na ang plano."

---

"Are you girls sure about this? Labas na ang Queens sa issue na 'to. And as far as I can remember, walang interest ang Queens sa mga ganitong bagay" sabi ni Gelo habang nakaupo sa sofa dito sa living room.

Napairap naman ako dahil ang dami niyang sinasabi.

"But as far as I can remember, Kaye is a mafia heiress and I am a gangster heiress. All of the mafias and gangs are under us, and that means their protection is also our concern," madiing sabi naman ni Yumi na mabilis naming sinang-ayunan. 

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now