Deadly 37: Bomb Explosion

733 56 5
                                    

Kaye's POV

Hindi ko mapigilang mapangisi habang sinusulyapan si Demon na ngayo'y hawak-hawak ang weapons niya. We first saw her using that almost five years ago at halos ngayon na lang ulit niya ito ginamit.

"Demon, get your brother and we'll cover you," sabi ni Queenie.

Mabilis naman kaming tumango ni Blood. Tinitigan naman kami ni 'Insan at parang nag-iisip pa but she just smiled.

Hindi pa din ako makapaniwala na heir ng Dark Organization si Shawn. How come? Pero hindi pa kami sigurado kung siya talaga iyon. Though, may tiwala kami kay Demon.

Tumayo kami nang maayos at nagsimulang makipaglaban sa mga Ruffians. Linatigo ko sa dibdib ang mga lalaking susugod sa amin at tutuluyan naman sila ni Blood sa pamamagitan ng pagsaksak sa mga noo nila. Samantalang si Queenie, pumatong siya sa isang lamesa at pinapana ang mga Ruffians na binabalak kaming barilin mula sa malayo. Sa aming apat, si Demon na lang ang nakamaskara dahil tinanggal na namin ang mga masks namin kanina.

Nagulat naman kami nang bigla na lang kaming may marinig na sigaw. Napalingon kami kaagad at nakita si Stacy na nakahawak sa tiyan niyang dumudugo. May isang Ruffian ang bumaril sa kanya at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Queenie.

"Cal!"

We were also surprised nang sumigaw si Demon at mabilis na tumakbo papunta sa isang lalaking Ruffians. Cal? Kilala niya ang lalaking iyon?

Gamit ang arnis ni Demon, inatake niya si Cal. Ginamit niya ang arnis sa right hand niya at malakas na inihampas sa likod ng lalaking iyon. Napasubsob siya sa lupa. Susugudin pa sana niya ang Ruffian na iyon nang may marinig kaming pagsabog.

Napayuko kaming lahat nang sumabog bigla ang stage sa harapan. I bit my lower lip at biglang naisip ang pinsan ko na si Shawn. Shet. Sana okay siya.

"Piolo speaking, may tatlo pang bomba na sasabog pagkatapos ng ilang minuto. Narinig ko iyon mula sa ibang Ruffians."

Napaawang ang labi ko sa narinig ko mula sa earpiece. Ilang minuto...ilang minuto na lang ang natitira at mamamatay kaming lahat dito.

Tatayo pa sana ako nang may marinig akong boses mula sa earpiece.

"Heirs, get out of this place as fast as you can. Q-Queens, please...get my brother and leave this place."

Narinig ko ang boses ni Demon at hindi ako kaagad nakapagsalita. Napalingon ako kay nila Blood at nakita silang nakatingin sa akin. May narinig ulit kaming pagsabog kaya napalunok na lang ako.

Pagkatapos ng pangalawang pagsabog, tumayo na kaming tatlo. Sa harapan nangyari ang dalawang pagsabog. Mahina akong nagpasalamat nang makita si Shawn at ang mga magulang namin na ligtas.

"Shit! Where's Demon?!"

Narinig ko ang mura ni Queenie kaya nilibot ko din ang paningin ko.

"D-doon..."

Kaagad naming tinignan ang tinuro ni Blood at napaatras ako nang makita si Demon na sinipa ng isang Ruffian at napaubo siya ng dugo. Nakaluhod siya at kitang-kita ang dugong tumutulo sa maskara niya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang inangat ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin.

"Shawn..." mahinang sabi ko nang mabasa kung anong sinasambit niya gamit ang labi niya.

Tumango na lang ako. "Please, be safe."

"I will."

Humarap ako sa kanilang dalawa na mukhang kinagulat pa nila. "Kailangan nating mailabas si Shawn."

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon