Deadly 28: Sudden Attack

772 57 3
                                    

Kiana's POV

Nakita ko ang pag-irap nilang tatlo nang masilayan ang kanilang mga upuan. Naikwento kasi nilang may hindi magandang nangyari noong nag-absent ako.

I laughed. "Move on."

Inirapan lang nila ako kaya bahagya akong napanguso. Ang aga-aga nagsusungit na naman sila. Hayst.

Umupo na kami at napatingin ako sa upuan ng Kings sa kabilang row. Bakante pa ang mga iyon kaya siguro wala pa sila. Then I suddenly remembered what happened at HP two days ago. They insulted the Queens and these girls looked like they are about to break their necks.

Buti na lang talaga at umabot ako kung hindi baka nagpatayan na sila doon. Mabuti na lang din at nakapagsalita ako nang maayos kahit ramdam kong may tinga pa nga ako galing sa kinain kong mamon.

"Hinahanap?"

I looked at Alex and saw her smirk. Kaagad naman akong umiling.

"Hindi 'no."

"Deny pa more. Crush mo si Black, 'di ba?" sambit ni Kaye.

My eyes widened. "Hoy! Pinagsasasabi mo? Gumagawa ka na naman ng fake news!" 

"You don't like him, but I think he likes you," sambit ni Yumi at tumingin sa akin nang seryoso.

The two smirked wider while I frowned. I easily understood that what she said has a double meaning.

"What do you mean?"

"He's interested about you, same with his parents," sambit ni Yumi.

Mukhang naintindihan na din noong dalawa na hindi ang iniisip nila ang tinutukoy ni Yumi. Parang sa isang iglap, naging seryoso na ang usapan.

"Paano mo nasabi?" tanong ni Kaye.

"I just noticed it when we had dinner with them. They keep on glancing at Kiana. And don't you think that it's weird that they kept smiling at her? It gave me creeps," sambit ni Yumi.

Yeah, they keep on smiling at me every time I look at them. Hindi ko na lang pinansin. Kasi malay naman namin kung talagang palangiti lang sila, 'di ba? Maliban nga lang doon sa laging nakabusangot na anak nilang si Itim—este Black.

"Sigurado ka ba?" Kaye asked. "Baka naman overthinking lang 'yan."

Alex's frowned. "Hindi kaya alam din ng mga magulang nila kung sino tayo?"

Her question silenced us. Kung sakaling may alam sila, plus, alam din ng mga anak nila, problema iyon. I already have plans to eliminate them from the picture without actually killing them. But the things is, I'm still finding a way for the girls to execute those plans.

We cannot kill them because a bond was already created between them and these girls' parents. So creating a diversion or causing a mess inside their heads is the only choice left.

"Serious much?"

Napahawak ako kaagad sa dibdib ko nang biglang may magsalita sa likuran namin. Punyeta. Nagulat ako doon!

When we looked back, we saw Stephen grinning from ear to ear while the other three are already sitting on their seats. Doon ko lang din napansing nagtitilian na ang mga classmate naming babae. Mukhang hindi namin napansin dahil sa pinag-uusapan namin kanina.

"Paki mo ba?" masungit na tanong ni Alex.

Tumayo pa siya at nagpameywang kaya napaawang ang labi ko. Nandiyan na si Mayora!

"Galit kaagad? Nagtatanong lang naman."

Alex rolled her eyes. "Tanong your face."

"My face is handsome, hindi tanong."

4 Deadly Queens Where stories live. Discover now