Chapter 4: First Dance

1.7K 100 9
                                    

It's been six years when Kirby moved to Las Vegas. As Dylan and I grew up together, we dreamed together and we supported each other when we both discovered what we loved to do. We were just like brothers and sisters. Sometimes, we hated each other, but most of the time we laughed together. Well, that's friendship.

"Ang swerte mo talaga dahil close kayo ni Storm." Napasulyap ako kay Elaica nang magsalita siya habang nakatitig siya sa cellphone niya na nakaplay ang video ni Dylan na kumakanta habang tumutugtog ng piano. She was using an earphone together with Kumi dahil nasa library kami ngayon kaya bawal ang mag-ingay.

"Ano bang nagustuhan niyo kay Dylan?" tanong ko sa kanila habang nagpapatuloy sa pagsusulat ng lecture namin sa Araling Panlipunan.

"Ang gwapo kaya niya, tapos ang talented pa." Impit na tumili siya. "Nakaka-inlove ang boses niya."

"Yah!" pagsang-ayon ni Kumi.

"He's very suplado naman," nakangusong sabi ni Lilyneth. "Pagraduate na tayo ng highschool but he's still not noticing me."

I curled my lips. "Mabait naman si Dylan," depensa ko.

"Oo nga! Nginitian niya kaya ako last time during ng group activity namin," kinikilig na sabi ni Elaica.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kumi.

"Oo. Ang cute niya." Humarap sa akin si Elaica. "Demi, pwede bang pilitin mo siya na isayaw niya ako sa JS Prom natin? Promise, ililibre kita kapag napapayag mo siya," nangungusap na sabi niya nang may malawak na ngiti sa mga labi niya.

"Uh, try ko."

"Ako rin," sunod na sabi ni Kumi kasabay ng pagtaas ng kamay niya. She became more looked like Japanese when she smiled from ear to ear because of her chinky eyes. She was half Japanese.

"Me too!" paghabol naman ni Lilyneth.

I heaved a sigh before I said, "Okay."

Nang marinig naming magring ang bell, sabay-sabay kaming nagligpit ng mga gamit namin na nakakalat sa table bago nagsitayuan at lumabas ng library. Tuloy-tuloy na sana akong maglalakad nang biglang may humarang sa akin kaya napahinto ako. Hindi na ako nagtaka nang malaman kong si Dylan iyon.

"I've been looking for you," he told me.

Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ng mga kasama ko pero hindi ko iyon pinansin.

"I just finished my lecture," tugon ko.

"Okay." He took a glance on the girls behind me. "May kasama ka pala. I'll just tell you my agenda later," aniya bago tumalikod at nauna na sa amin. I was sure that his destination was our classroom also. We had the same section; we were classmates.

"Oh my gosh!"

"Waah! Ang pogi talaga!"

Sabay-sabay na bulungan nila nang makaalis na si Dylan. Napailing nalang ako sa kanila. Kung pwede ko lang tanggalin ang mukha ni Dylan, baka ginawa ko na. Wala atang araw na hindi ko narinig sa mga classmates ko ang salitang "Ang gwapo ni Storm!"

Hay! Nakakasawa! Araw-araw naman nilang nakikita si Dylan eh. Hindi na sila nasanay.

***

Holding on to His PromisesWhere stories live. Discover now