Chapter 7: Promise

1.2K 84 22
                                    

I opened the steel gate of our house. I saw hesitation on Dylan's face as we entered there. Well, even me, I was confused why Auntie Rona suddenly wanted to see Dylan while she hated the Hunt Family.

"Are you sure?" Storm whispered to me while I was turning the doorknob of the main door and then pushed it open.

"You saw Auntie Jessie's text message," I said.

Napakatahimik ng bahay nang makapasok kami. Naglibot ng tingin si Dylan sa bahay dahil ito pa lang ata ang pangalawang beses na nakapasok siya sa bahay namin. Tumuloy kami sa kwarto ni Auntie Rona at nakita namin si Auntie Jessie na pinupunasan ng basang towel ang braso ni Auntie Rona.

Napalingon si Auntie Jessie sa amin. "Nandiyan na pala kayo." Tumingin siya kay Dylan. "Ito na ba si Dylan?" she asked.

"Opo, Auntie," tugon ko.

Ngumiti naman si Auntie at tumango-tango. Nilingon niya si Auntie Rona. "Ate, nandito na ang mga bata." Nakita ko naman na nakatingin sa amin si Auntie Rona. "Sige. Maupo na kayo riyan," ani Auntie Jessie bago lumabas ng kwarto. Tumahimik ang paligid nang makaalis ito.

Sinenyasan ko si Dylan na umupo sa gilid ng kama sa pamamagitan ng pagnguso roon. Malaki kasi ang kama kaya pwedeng umupo roon.

"No way," he mouthed. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Lumapit siya sa akin at bumulong, "The last thing I know your Auntie doesn't like me―" Napatigil siya nang biglang magsalita si Auntie Rona.

"Dylan, come here," anito sa mahinang tinig.

"Lumapit ka raw," sabi ko kay Dylan.

Nag-aalinlangan man ay sumunod naman siya at umupo sa gilid ng kama. "Uh, what can I do for you, ma'am?" he politely said to Auntie.

Auntie Rona stared at Dylan before she spoke, "Are you angry with me?"

Napakurap ako sa tanong nito. Tumingin ako kay Dylan at hinintay ang magiging tugon niya. Matagal na katahimikan ang namayani sa kwarto.

"Honestly, yes. I hate you because you always treat me different from Kirby since when we were a kid."

Sadness and guilt filled Auntie Rona's face. "And I want to apologize for that. I am sorry," she said.

Tipid na ngumiti lang si Storm at tumango. "No problem."

Napangiti ako at hindi maipaliwanag ang kasiyahan na naramdam ko nang makita kong ngumiti si Auntie Rona. Bihira lamang sa patak ng ulan ito ngumiti kaya nakakapanibago. It felt like the Auntie Rona in front of me was a different person. Was it really the effect of being near to death? People are being kind. But, I hoped Auntie Rona did this before and so that she could leave a beautiful legacy to everyone.

***

"So, this is your room," Dylan said while wandering his eyes around my room. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya sa kwarto ko. "It's cute. Girly stuffs everywhere," aniya. Marami kasi akong stuff toys at kulay pink halos ang mga gamit ko. Humiga siya sa kama ko. "Kung hindi pa pala matataningan ang buhay ng Auntie mo, hindi ako makakapasok dito," nakangising sabi niya. "But I hope she'll get well soon."

Lumundag ako sa tabi niya kaya umalog ang kama.

"She became kind," I said with a smile.

"Sana always," he said.

Tumawa ako ng mahina. "And I realized something. Everybody should live their lives everyday like they're going to die later. Ang bait siguro lahat ng tao sa mundo."

Holding on to His PromisesWhere stories live. Discover now