Chapter 12: Haunted

1.2K 60 21
                                    

"Ate Demi, do you know the places here?" Juddith asked me while they were putting their stuffs in their bag.

"A little bit," I replied.

"Tour us, please?" she plead.

"Okay," pagpayag ko.

As what she requested, I came with them to wander around the place. They kept on taking pictures whenever we came to the place that had a nice view. They looked like models because they were really gorgeous and they dressed very well. Nakakaagaw-pansin ang mga ito kaya halos pinagtitinginan kami ng mga tao sa hacienda. Parang halos magkakaedad lang sila dahil dalawang taon lamang ang agwat ni Mandy at Juddith sa isa't isa habang si Juddith at Wren ay isang taon lamang. They became a little bit kind to me because I knew how to ride them. I got their tickle.

Nagpatuloy kami sa paglilibot hanggang sa mapunta kami sa napakagandang falls ng lugar. Nakakapawi ng pagod ang tunog ng paglagaslas ng tubig at ang napakagandang tanawin ng napakalinis na tubig nito na kulay berde. Kaunti lang ang mga taong naabutan namin at wala ring nakalusong sa tubig. Nagpunta na kami ni Dylan rito noon pero napakatagal na rin niyon.

"Ate Demi! Do you have a swim suit?" Mandy asked me.

"Yes, I have, but I didn't bring it with me." Hindi ko naman kasi expect na magsi-swimming kami rito.

"I have two extra swimsuits here. Just choose one." Inabot niya sa akin ang dalawang two-piece swimsuit. White and navy blue. They were too daring, and it was my first time to wear a two-piece swimsuit because I usually wear a one-piece swimsuit. Pero wala akong choice.

Nagpalit kami ng damit sa shower room doon na sadyang pinagawa para sa mga turistang bumibisita rito.

"Wow! Ate Demi, you're so sexy!" Juddith exclaimed when she saw me wearing the navy blue two-piece swimsuit.

"Hindi naman. Kayo nga ang mas sexy diyan eh," sabi ko sa kanila. Napakaganda kasi ng hubog ng katawan nila bagamat hindi pa talaga sila lubos na dalaga.

"Huwag kang magpapakita kay Kuya Sean, ate. Baka ma-inlove 'yun sa 'yo. Babaero pa naman 'yun," ani Wren. Tumawa lang ako sa sinabi niya.

Nang papabalik na kami sa falls, nagulat kami dahil wala nang mga tao roon.

"Huh? Where are the people here kanina?" Mandy reacted.

"Umuwi na siguro," sabi ko.

"It's better. Solo natin ang falls,"ani Juddith.

"I'm here." Biglang may nagsalita sa likuran namin, at nang lumingon kami rito, nakita namin si Kuya Breyden na nakatrunks at topless. His flawless and well built body was revealed.

"Kuya Breyden! Bawal ka dito. Girls bonding 'to eh!" reklamo ni Mandy.

Hindi naman siya pinansin ni Kuya Breyden dahil tuloy-tuloy itong lumapit sa tubig at nagdive doon.

"Grr!" Inis na nagcross arms lang si Mandy.

"Hayaan na natin si Kuya Breyden. Hindi naman masyadong namamansin 'yan kaya parang wala rin siya rito," ani Juddith.

Napagdesisyunan namin na lumusong na sa tubig at hayaan nalang si Kuya Breyden. Parang may sariling mundo naman ito dahil malayo ito sa amin.

Sa kasalukuyan ng paglalangoy ko ay nabigla ako nang may humawak sa binti ko kaya napatili ako. Mula sa pagkakalubog sa tubig ay lumitaw ang salarin sa panggugulat sa akin. Nagulat ako nang malaman kong si Dylan iyon. He was topless, and I guessed he was also in trunks.

Holding on to His PromisesWhere stories live. Discover now