Dollhouse 003

124K 6.1K 21.8K
                                    

⋈├・oXᓄ

𝙒𝙀𝙇𝘾𝙊𝙈𝙀 𝘽𝘼𝘾𝙆 𝙏𝙊
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀

Cameras Activated: 100/100
Site: ONLINE
Current Task: None
Dolls Awake: 4/10

── ♡├o UPDATE:
Dolls are rising!

▬▬▬▬▬▬▬
 
 


── ♡├o JAVA
 

Welcome to Dollhouse.

Anong kalokohan 'to?!

"Gunner, walang pinto ang kwarto." puna ko habang iniikot ang mata sa paligid.

"Hindi ko maalala kung paano tayo napunta dito pero sigurado akong kailangan nating makaalis dito agad. Hindi maganda ang kutob ko." aniya saka pinakyuhan ang screen na paulit ulit ang nakasulat:

Welcome to Dollhouse.

Where and what the hell is Dollhouse anyway?!

May tumunog na kama, tila gumalaw.

Napalingon ako kay Babe. Gumalaw siya, pero wala parin malay. Nagkatinginan kami ni Gunner. Nagbago aura niya bigla. Sandali siyang napapikit at napakagat ng labi. I know he's fighting it. Ayaw niya lumingon kay Babe. Okay. Naalala ko na. Nag-away nga pala sila. Hindi ko sure kung wala na silang dalawa.

"Nagigising na si Babe..." Bulong ko habang nakatingin sa babaeng nasa ikalawang kama. Mukha talaga siyang manika ngayon dahil sa soot namin.

"Wala akong paki." Tugon ni Gunner saka lumapit sa'kin at sinubukang kalasin ang posas sa kamay ko. Gumalaw ang kama sa pagtuntong niya.

Nailang ako.

Unahin mo si Babe, Gunner.

"Tangina talaga." mura na naman niya habang tinatangal ang posas ko, medyo natigilan din siya.

"B-Bakit?"

Nagulat ako nang biglang siyang may kinukuskos sa likod ng kamay ko. Nakaramdam ako ng hapdi. What the hell is he doing?

"Gunner, masakit. Ano ba!" saway ko.

"Fuck, Java. They inked us." he stopped whatever he was doing and cussed again.

Ano daw?

"Look." sabi niya. Pinakita niya ang likod ng kamay ko sa'kin. Namutla ako sa nakita. Holy---- Is that real?! Kaya ba mahapdi? "Here. That number 10 at the back of your hand is real. This is not a henna. This is a fucking tattoo, Java."

What?!

Napansin ko ang kamay niya. Meron din siya. Number 7. Ang mga numero ay kagaya ng numero sa aming mga kama.

What the hell is happening?!

Who's playing with us?!

"Ang sarap pumatay." he groaned.

"Shhh." and I hushed him.

"We need to go. Tatanggalin ko din ang posas mo." tumango ako sa kanya. "Tell me if it hurts, okay? I'll stop."

I nodded my head.

▬▬▬▬▬▬▬

▶️ Live Comments

- omg ship  (づ ̄ ³ ̄)づ

- ano tawag sa ship nila?

- SEVENTEEN!!!!

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now