Dollhouse 004

105K 5.4K 10.6K
                                    

⋈├・oXᓄ

𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀

Cameras Activated: 100/100
Site: ONLINE
Current Task:
search the 5 missing keys
Dolls Awake: 8/10

▬▬▬▬▬▬▬
 

── ♡├o HERA
 

 
  

Cameras.

There should be cameras everywhere.

Peter. That psycho asshole. I'm sure he's watching us right now. But how? Bakit wala akong makitang kahit isang camera? Gaano kaliit ang mga 'yon at paano niya naitago?

"Hera..." tinawag ako ni Alpha.

"Are you sure that this is the dollhouse we've read before?" tanong niya. Umupo siya sa kama ko. Tahimik niyang hinahaplos ang kamay niyang may tattoo na number one. See? Tattoos. Isa din 'yan sa nabasa ko sa article dati. Peter is fond of marking things he own. He probably thinks he owns us now.

"Not that sure. Pero hindi mo din maitatanggi na ganitong ganito ang nabasa natin dati." sagot ko saka napasandal nalang at napabugtong hininga. The tattoos, the dresses, the chains, the red strings hanging from the ceiling, the numbers, the missing teenagers, it screams dollhouse. Ganitong ganito ang nabasa ko dati.

"But... why are we here?" bulong ni Alpha.

Natahimik ako. Ramdam ko ang mata niya sa'kin na tila nanghihingi ng sagot. Pakiramdam ko ay naalala na niya ang article pati ang rason kung bakit dinadala sa dollhouse ang mga nawalang biktima dati. Nanatili akong tahimik at hindi siya sinagot.

Tahimik naming pinanood ang aming mga kaibigan.

In this room, one of us is a killer.
One of us murdered someone secretly.

Hindi ko alam kung isa o higit pa ang mamamatay tao sa loob ng kwartong 'to, pero sigurado akong meron. The Dollhouse game will only end if we would be able to identify the real killer. Uubusin kami hanggat walang naamin. Dalawa lang ang pwedeng matira kung walang aamin sa grupo. If the killer lived, then he's free forever. He wins the game.

Kaso ang problema, isa lang ba sa'min ang pumatay?

Paano kung hindi lang isa?

Pasimple kong pinanood ang mga kasama ko. They're my friends. They're my sisters and brothers by heart. Everyone knows how close we all are. We're inseparable. But the question is...

Who turned into a killer?

Alpha is the leader of the group in my perspective. He made decisions that saved us since then. Para siyang kuya sa'min. Kaming mga babaeng kaibigan niya ay madalas niyang ihatid pauwi para lang makasiguradong ligtas kami.

Babe is the youngest and everyone's baby. She's bubbly and a bit sensitive sometimes. Protective kami sa kanya lalo na't suki siya ng mga lalaking malalandi.

Claude is the casanova type. Seryoso kami kapag sinabi naming madami siyang babae. Iba ibang putahe ang nakahanda sa kama niya gabi-gabi. Buti wala pa siyang sakit. But the good thing is, Claude can sense his kind. Bantay sarado niya kami sa tulad niya.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon