Dollhouse 070

68.2K 3.5K 15.4K
                                    

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

▬▬ THE FLASHBACK
CONTINUATION ▬▬

FLAME WATCHED Gunner wait like an idiot again for Babe outside Lancaster. She witnessed how desperate Gunner is to fix his relationship. Umay na umay na si Flame sa paulit-ulit na nangyayari. Irita na rin siya kasi wala man lang pakielam si Babe sa mga epekto ng ginagawa niya.

Napupuno na siya.

Ayaw na niyang manood na lang.

Sinamahan nila Flame, Ichiro, Claude, at Echo mag-inom si Gunner.

"Tol, ano ba paliwanag ni Babe sa'yo?" tanong ni Ichiro kay Gunner na naka anim na bote na habang siya ay isang shot pa lang.

"She said she loves me and I still believe it. Pero tangina, hindi akin ang mga halik sa leeg niya," sagot ni Gunner saka tumungga ulit. Nagkatinginan si Ichi at Echo saka napa-shot rin.

Si Claude naman ay seryoso ang mata sa screen ng phone.

"Nagtatalo pamilya ni Cara," share niya bigla.

"Bakit?" tanong ni Flame na kakabalik lang sa table nila. Kinulit niya ang mga nagse-serve ng food. Siya na pumunta sa sobrang tagal dumating ng sisig na order niya para pulutan. Sa kabilang kamay niya ay may hawak siyang plato ng barbeque. Sa braso niya naman nakasabit ang extrang bucket ng ice.

"Miss, 'yong ice namin. Pakibilis," sabi ng isang extra sa kabilang table kay Flame na akala ay waiter siya. Naurat si Flame kasi nahalata niyang ume-extra lang talaga ito at nagpapa-pansin sa kanila.

"Customer ako. Pumunta ka do'n," masungit niyang sagot. Tumawa lang 'yong lalaki pati ang mga kasama niya.

"Ang daming extra," natatawang bulong ni Ichi. "Ano nga pala nangyari? Bakit nag-aaway sila Cara?"

"I don't know. Ayaw niya sabihin ang buong kwento. Third affair lang alam ko," sagot ni Claude saka binaba ang phone at nag-shot.

"I totally dislike third parties," sabi ni Echo. "It ruins families, bro. Buti pa 'ko loyal kay Dorothy."

"Loyal men. That's what we are, tol." Naghandshake pa sila ni Claude. Si Ichiro naman ay nag make face sa dalawa.

"So 'yon nga," pagbabalik ni Claude kay Gunner. "Gunner, natanong mo na ba kung ikaw pa rin ang labidabs ni Babe? Napapansin na rin namin, tol. Hindi naman kami bulag. Ang laki na ng pinagbago niyong dalawa."

"Wala ba nakkwento si Babe sa inyo?" tanong naman ni Ichiro kay Flame.

Napailing si Flame. "Wala. Si Dorothy lang madalas nagk-kwento kung paano siya kiligin kay Echo--- ay shet. Andito pala si Echo."

Natawa si Gunner.

"Yiiiiiie. Echo kinikilig ang anit," sabi ni Claude.

"Kinikilig ang anit?" nagtatakang tanong ni Ichi pero natatawa kahit hindi niya ma-connect.

"Yiiiiiie. Enebe. Heweg keye genyen. Kenekeleg eke," maharot ang boses ni Echo noong sumagot siya tapos tinapik pa niya si Ichiro na kinilabutan naman.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon