Dollhouse 068

62K 3.4K 9K
                                    

You Received a Message Request

Message Request | Spam

Open a chat for more info on who sent it. They won't know you've seen their message until you reply.

Buksan Moto:
Buksan moto sent an attachment.

. . . . . . . . .

NAGSALUBONG ANG kilay ni Babe nang mabasa ang pangalan ng nasa message request niya. Pasimple niya itong binuksan habang nagk-kwento si Gunner ng nangyari sa kanya kanina. Nanlisik ang mata at namutla siya nang mabasa ang message.

Buksan Moto:
Kakaiba ka.

Buksan Moto:
Alam ba ng kasama mo
ngayon ang pagtataksil
mo bawat hapon?

Buksan Moto:
Alam mo rin ba na may
pamilya si Azazel?

Buksan Moto:
Buksan Moto sent an attachment.

Opening Attachment

Loading

Now Playing

Lason Tuwing Hapon.mp4
00:00 - 6:33

Buksan Moto:
Enjoy na enjoy bes?

Buksan Moto:
Huli mo na 'yan kundi
ipagkakalat ko 'to.

▬▬▬▬▬▬▬

Napatigil si Gunner nang may narinig na ungol habang naglalakad silang dalawa. Agad in-off ni Babe ang phone. Ramdam niya ang panginginig ng kamay sa taranta sa napanood.

"Babe, ano pinapanood mo?" natatawang tanong ni Gunner. Natawa si Babe saka itinago agad ang phone sa bulsa.

"Wala. May nantrip. Nudes. Eww."

"Nako! Si Ichiro ba 'yan? Siraulo minsan 'yon eh. Sinendan niya ko ng bubble wrap video, ungol pala tunog."

"Si Kuya Ichi? Hindi ah. Hindi ko rin kilala nagsend."

"Patingin," nilahad ni Gunner ang kanyang kamay.

"Gunner, anuba. Kadiri."

"Akin na," natatawang sabi ni Gunner. Nalilito si Babe kung natatawa ba talaga o kung galit ba ito. "I-block ko lang. Gago eh."

Babe faked a smile. "Na-block ko na."

"Mabuti. Iniingatan kita sa mga ganung bagay tapos sesendan ka lang ng kung sino," seryosong sabi ni Gunner saka siya hinila palapit nang muntik na siyang matamaan ng mga natakbong studyante.

Natawa si Babe saka inangkla ang braso kay Gunner. "I know, Gunner. I know. Don't worry. Block ko sila agad. Kilala mo naman ako, hindi ako pumapansin ng gano'n."

Gunner smiled.

"They better leave you alone because I don't share what's mine."

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

▬▬ THE FLASHBACK
CONTINUATION ▬▬

DOLLHOUSEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum