Dollhouse 062

58.4K 3.7K 6.7K
                                    

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o THIRD

"The last kid who found Queen of Clubs is from Team Diamonds. King of Diamonds, Alpha, is the next player. Get ready."

Napatingala sila nang magbago na naman ang nasa screen. Napalitan ito ng timer na limang minuto para makapagtago si Alpha. Gaya ng kay Java, magsisimula ito kapag lumabas siya ng pinto.

"Ako bahala sa kanya," pagputol ni Gunner sa pananahimik ni Alpha saka pasimpleng tinuro si Java na buhat-buhat ni Alpha. "Susundin ko ang huling bilin ni Ichiro."

Tahimik silang nagkatinginan hanggang sa napatango na lang si Alpha at pumayag kay Gunner.

"Babalik ako," seryosong sabi ni Alpha.

"Magtago ka. Huwag mo galingan. Ipapanalo mo pa kami," ani Gunner saka kinuha si Java na unti-unti na nagigising.

Napakagat ng labi si Babe nang marinig ang sinabi ni Gunner. Kanina pa niya iniisip ang plano ng tatlo. What if they are just faking? What if Alpha is just planning to save me? What if Alpha are just fooling Java and Gunner so that we can win the game instead? Madaming tanong ang kanina pa umiikot sa isip niya.

"Your friend over there almost died. Wala ka man lang bang paki?" the King of Hearts asked her.

Sandali siyang tiningnan ni Babe. Nalipat ang tingin ni Babe kay Java na buhat-buhat ngayon ni Gunner at inaasikaso rin ng mga nasa clubs. Hindi siya sumagot at uminom na lang ng tubig.

Napailing na lang ang king sa grupo niya.

Napansin ni Babe na naghahanda na ng mga baril ang mga nasa grupo niya. Inis niya itong pinanood. Alpha already went out of the room. The five minute timer for him to hide is now running. After five minutes, team from diamond and hearts will eliminate the kids too──  and she will witness it with her own eyes.

"Please don't hurt the kids," desperada na niyang sabi.

"It's part of the game," king replied with a bored tone. He gave her a gun but she threw it away.

"Bata pa sila! Akala ko ba may pakielam ka sa mga bata?"

"Queen, you don't know me. You don't even know my name. Now shut up and prepare your gun if you want Alpha to win."

"Win? Pinagtutulungan nila kong tatlo. Hindi kami mananalo ni Alph---"

"Tsk. Listen. It's fucking easy. You just need to beat the record. Whichever pair that has the longest record wins the game. The longest record so far is three hours and forty-five minutes from Clubs. If you break that record, you will win together with Alpha just like what you wanted."

Natahimik si Babe. Muli sa kanyang inabot ang baril.

"Play the game."

   
 
── ♡├o BABE
 
 
Tumigil na ang limang minutong oras para magtago si Alpha. Nagtayuan na lahat ng kagrupo niya pati na rin ang mga kagrupo ko. Ang mga bata sa grupo nina Java at Gunner ay excited na maglaro. I can't. I can't kill the kids!

Pinalabas na ang mga bata para hanapin si Alpha.

"Hindi ko kaya," bulong ko.

Napairap ang queen sa grupo ni Alpha dahil sa sinabi ko. Paano nila naaatim ang ganitong laro?! "They are just kids. We shouldn't hurt them!"

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon