Dollhouse 012

78.4K 4.3K 5.2K
                                    


✦ ◉ •

𝙔𝙊𝙐 𝘼𝙍𝙀 𝙉𝙊𝙒 𝙎𝙏𝙍𝙀𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀!

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o HERA
  
  
"Bakit ba ayaw mo bitawan ang picture na 'yan?" tanong ni Echo.

"Hindi ko alam kung paano 'to napunta dito..." bulong ko. Hindi ko alam kung anong meron kay Peter at paano niya nakuha lahat ng litratong 'to. Is he spying us all this time?

"Who are those guys in the picture?"

Hindi ako sumagot at binaba ang litratong hawak ko.

Napabugtong hininga si Echo nang mapansing wala akong balak magsalita. "Lahat na lang kayo may sikreto. Hindi ko na alam sino pagkakatiwalaan ko." aniya.

"Bakit, ikaw ba walang sikreto?"

"Kapag sinabi ko bang wala maniniwala ka?"

"But this picture is yours." sabi ko saka itinaas ang isang litrato.

Nagsalubong ang kilay niya. "Pinagbibintangan mo ba 'ko, Hera?"

"I'm just stating a fact, Echo."

"I may be a bit impulsive when I get mad but that doesn't mean I can kill someone or damage anything. And that picture is not mine."

"I don't know what to believe anymore." bulong ko.


"Those guys in the picture, did you kill them?"

"Let me repeat your question to me earlier then,  pinagbibintangan mo ba ko?" inis kong tanong.

"I'm just asking."

"I will answer your question if you will tell me which one is your picture." sagot ko sa kanya.

Napabuga siya ng hangin.

"I'm not sure if you are trying to trick me but no I won't tell you which one is mine." sagot naman ni Echo.

"Trick you to what? We are trying to solve the issue here, Echo." sagot ko.

Teka. Bakit ba nagtatalo kami? Napabugtong hininga ako saka sinubukang pagtapat-tapatin ang mga litrato. Hindi ko alam ang iba. Bakit ganito? Pasimple kong tinignan si Echo. Which one is his?

"Tsk. Nasaan na ba kasi si Dorothy?" rinig kong inis na sabi ni Echo saka sinipa ang mesa. Nausog iyon dahil sa kanya. Pagtatapatin ko na sana ulit ang mga litrato pero bigla akong napatigil sa aking ginagawa.

Napakurap ako bigla nang may mapagtanto ako.

"Hey, Echo."

Lumingon siya.

"What?"

"Kaya mo buhatin 'yang mesa?"

Mukha siyang napaisip sandali at natigilan. Bumangon siya at lumapit sa mesa. Sinubukan niyang buhatin. Alam kong mabigat iyon dahil gawa iyon sa makapal na bakal. But geez. He managed to lift it! Sabi na nga ba. Gunner is strong but I think Echo is stronger. Now, I need his help. We need to escape.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now