Dollhouse 050

64.1K 3.7K 8.6K
                                    

"Gunner, may kailangan ako sabihin sa'yo."

"May lakad ako, Flame. Paalis na 'ko. Tungkol saan ba?"

"Saan ka pala pupunta?"

"Magkikita kami ni Babe. Ano ba sasabihin mo?"

"May... May kailangan ka makita."

"Ano ba 'yon? Akin na. Patingin."

"Mamaya na lang pala. Lumakad ka na."

"Paalala mo sa'kin mamaya ha."

"S-sige."

"Oy, Claude. Bakit ang daming natingin sa'kin?"

"Huh? Lagi naman talagang may nakatingin sa 'tin. Ano ba bago?"

"Bakit parang pinagbubulungan ako?"

"Ewan. Napaparanoid ka lang."

"Siya ba 'yan o ate niya?"

"Siya 'yan. Shhh. Shhh. Andyan na 'yong boyfriend niya na si Gunner. Pfft---"

"Bakit niyo pinag-uusapan kaibigan ko?"

"E-Echo, Ichiro, andyan pala kayo."

"Ano 'yang pinapanood niyo? Patingin."

"Wala 'to. Movie lang 'to--- akin na 'yan!"

" . . . . . . "

"P-pinasa lang sa group chat namin 'yang video. Sorry."

" . . . . . . "

"Hindi niyo pa ba alam? Hala--- gago, Echo, bakit mo dinelete?!"

"Gago ka rin! Tigang ka ba?! Kaibigan ko 'yang ginagago niyo. Saan galing 'to? Sino nagpasa ng video?!"

"Hindi namin alam. Huwag mo nga ako kwelyuhan, Ichiro!!"

"SINO NAGPASA NG VIDEO?!!"

"Hindi nga namin alam, kumalat lang 'yan kagabi!"

"Anong nangyayari dito?"

"Alpha, si Gunner, hindi pa niya alam. Shit."

"Ang alin?"

"Nakasalubong ko si Gunner. Mukhang papatay. Ano nangyari?"

"Saan mo nakasalubong, Java?"

"Malapit sa cafeteria. Papunta rin ata 'yon dito. May nangyayari bang hindi ko alam? Bakit parang may kakaiba ngayon sa Lancaster?"

"Java, may kailangan ka malama---"

"Nasaan si Babe?!"

"Gunner...."

"Nasaan si Babe?!!!"

"Huwag ka sumigaw, Gunner. Hindi namin alam."

"Tangina."

"Ano bang nangyayari sa'yo? Kumalma ka nga! Hoy, Gunner! Tsk. Ano ba nangyari do'n sa lalaking 'yon? Bakit may pasa na naman sa mukha ang gago?"

"Si Gunner lasing na lasing kagabi."

"Naaawa ako sa dalawa."

"Ngayon ko lang sila nakitang gano'n."

"Tangina kasi ni Prof. Azazel. Kumukulo dugo ko."

▬▬▬▬▬▬

── ♡├o FLAME

Naglalakad kami ni Java. Napansin kong medyo parang kinakabahan ang mukha niya. Kanina ko pa din napapansin na nagsasalita na siya mag-isa. Nagdadasal ba siya kanina? May kausap ba siyang hindi ko nakikita? Kawawa naman si Java.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon