Dollhouse 010

95.8K 4.3K 10.8K
                                    

𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀

. . . . . . . . .
 

── ♡├o BABE

"Babe, meet me in my office. Alone."

"Yes, sir."

"Hanggang kailan ba matatapos 'yang after class tutorials mo? You said it will only take one month."

"One month nga. Patapos na."

"Halos hindi ka na namin nakakasama, Babe. Hindi lang naman ako ang nakakamiss sa'yo. Nagsusumbong na sa'kin sila Hera na nagtatampo na rin sila. Tsk. Hintayin na kita. Sabay na tayo umuwi. Hanggang anong oras ka ba dito?"

"Huwag na. Mauna ka na. May laban ka pa ng 6pm, di ba? Magpahinga ka na sa dorm."

"Tss. Hindi naman ako makakapagpahinga. Sobrang kulit nina Ichiro at Echo maglaro ng video games. Hintayin kita dito sa labas."

"Huwag na sabi, Gunner. Magpahinga ka na sa dorm niyo. Promise, susunod ako. Manonood ako ng laban mo."

".... You also said that last week. My fight started around 6pm and ended by 8pm. I was waiting for you alone til midnight. You never came like what you promised, Babe."

"Please don't get mad, Gunner. I swear I'll make it up to you. Patapos na 'to. Isang linggo na lang talaga. It might take... hmm... 2 hours? Mauna ka na kasi."

"I just want to stay here for you. That's all I'm asking. Bakit ba pinagtutulakan mo ko?"

"What? No. Hindi kita pinagtutulukan. Gusto ko lang na magpahinga ka na muna, Gunner. Baltazar makakalaban mo mamaya and we all know he's freaking strong like you. Parehas kayong walang talo. Gusto ko manalo ka mamaya---"

"But I might lose the game if I won't see you."

"Are you serious? Paano ang malinis mong record? Win the battle, Gunner. I know you can win it. We believe in you. Please. I promise I'll be there before the game starts."

"Why is he...."

"Huh?"

"I hate how your professor is watching us right now, Babe. Ano 'yan? Atat na atat turuan ka? Ang sama pa ng tingin sa'kin."

"D-Don't mind him. Late na kasi ako. Sige na, umuwi ka na. Please?"

"Just let me stay here outside..."

"Gunner, please."

"I just want to stay, Babe. Hindi naman ako manggugulo. Hihintayin lang kita."

"Ayokong naghihintay ka dito sa labas nang matagal."

"But I don't mind waiting---"

"Gunner, please, just leave!"

   
 
 
   
 
Nagising akong napanaginipan na naman siya.

I can still remember his confused face when I pushed him away that day....

Tsk.

Nevermind.

Okay. Where am I? Ang sakit ng likod ko. Bumangon ako at narealize ko na nasa malamig na tiles pala ako nakahiga. Puro puti ang nakikita ko. Puro salamin. Tapos may mesa sa gitna. Tila nagflashback lahat ng nangyari sa isip ko habang minamasahe ang akong ulo. Chains. Beds. Locks. Doll dresses. Red smoke. Then I'm here now.

"Sino 'yan?"

That voice. I know who owns that voice. Napalingon ako sa likod ko nang may marining ko siyang nagsalita. Natigilan ako nang makita ko siya sa likod ko. Halos hindi ako makakurap sa nakita ko. Tila may bumara sa lalamunan ko at hindi ako nakapagsalita agad.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon