Dollhouse 067

60.4K 3.5K 9.6K
                                    

ALPHA:
Bukas na lang pala, Java.

JAVA:
Huh? Ah Sige. Ok lang.
May gagawin ka?

ALPHA:
Yup. Sorry, Java
Bawi ako bukas.
I'm so sorry.

JAVA:
Hahaha relax.

JAVA:
Madami pa tayong araw.

JAVA:
It's okay, baby. I understand.

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

▬▬ THE FLASHBACK
CONTINUATION ▬▬


── ♡├o THIRD
  

Kinabukasan.

"Absent si Gunner kasi natuluyan at nagka-lagnat tapos ngayon naman, si Alpha ay sugat-sugat ang kamao at putok ang labi. Ano nangyayari?" tanong ni Dorothy.

Dorothy is in charge of keeping the group sane. She's the mother of their team. When everything goes wrong, she'll try to make it right.

Nasa cafeteria silang siyam. Wala si Gunner dahil hindi na ito nakapasok sa sakit. Nakain silang lahat nang mapansin ni Flame ang kamao ni Alpha.

"Nanuntok ka noh? Alpha nag-a-underground ka na rin?" tanong ni Flame. Tinago ni Alpha ang kamay niya, pasimpleng sinundan iyon ni Java ng tingin.

"Underground agad porket nanuntok?" tanong ni Claude.

"Onga. Si Claude nanununtok kahit wala sa underground. Ganda kasi ng bebe ghorl." natatawang sabi ni Echo.

"Madami naman 'yan bebe," gatong ni Ichiro.

"Asa! Loyal 'to. Magtu-two years na nga kami."

"Ulul. Wala ka maloloko sa'min," nakangiwing sabi Echo.

"Pero ano nangyari, Alpha? Lumaban ka ba? Lalaban ka na rin ba lagi gaya ni Gunner? May balato rin ba kami?" tanong ni Flame.

"Wala naman tayo balato kay Gunner, ah?" nagtatakang tanong ni Ichi.

"Wala kayo?" tanong ni Flame

"Meron ka?" nagsakabay na sabi ni Echo at Claude.

Biglang natawa si Flame nang alanganin. "Huh? Balato? Wala ata? May balato ba tayo kapag nananalo si Gunner? Wala, di ba?"

"Sabi mo meron?"

"May balato si Gunner?"

"Bakit siya ang may balato eh siya nalaban?"

"Sino ba may balato?"

"Takte. Ang gulo," bulong ni Hera.

Napahilot ng sentido si Dorothy. Ang layo na naman ulit agad ng topic nila! Sa grupo nila, may apat na bawal magsama. Flame, Ichiro, Echo, at Claude. Kapag sabay-sabay silang nag-usap, lagi kang walang maiintindihan at walang katapusan ang topic nila.

Seryoso lang si Java habang tinitingnan si Alpha na tahimik na nakain. Napansin niyang may maliit na sugat din ito sa labi.

"Pero ano nga nangyari, Alpha? Nakipagsuntukan ka ba kagabi?" tanong ni Dorothy. Si Babe na tahimik na nakain ay napatingin kay Alpha at ganoon din si Alpha sa kanya. Saglit silang nagkatinginan. Nahuli iyon ni Java.

Si Hera naman ay nahuli ang lahat kaya tumingin na siya kay Flame para pasimpleng ipaalam na mayroon talagang nangyayaring kakaiba.

Si Flame naman ay... nakain.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now