Dollhouse 074

60.3K 3.5K 8.8K
                                    

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

LAST DAY: DAY 07
Congratulations, DOLL 02!

── ♡├o BABE

Realization.

Regrets.

Repentance.

Nagising ako pagkatapos ng mahabang bangungot.

Naalala ko lahat ng bagay na nangyari. Kung paano ko sinira lahat. Kung paano ko binasag ang pagkakaibigan namin. Kung paano ko sinira ang tiwala nila. Kung paano ko ginago ang pamilya ko. Kung paano ko natapos ang isang pamilyang nananahimik. Napapikit ako.

Ang tanga.

Ang tanga-tanga ko.

Ang kati-kati ko.

Hindi ako marunong makuntento.

Hindi ko pinahalagahan ang mga bagay na mayroon ako.

Because of my mistake and wrong endeavors, I lost my real friends and my family's trust. I'm now alone and will continue to live carrying regrets.

"I'm sorry," I cried.

I paused when I noticed something strange.

Napahawak ako sa mukha ko.

W-What's this?

I found myself in a strange bedroom again. I'm still wearing the same outfit but now the design changed and turned into broken hearts. Napalunok ako. Bakit nandito pa rin ako?

Bumangon ako at pumunta sa may pinto. Mabilis ko 'yon binuksan. Nasaan na naman ako? Am I still in Dollhouse? Tiningnan ko ang corridor. I think I am. The corridor is filled with gigantic mirrors. Mabilis akong pumunta sa salamin para tingnan kung anong nasa mukha ko. Nanlamig ako sa nakita, napaluhod ako sa pulang carpet nang makita ko ang repleksyon ko.

I found myself wearing a weird mask.

A mask that looks like a crying baby.

Nanginginig ang kamay ko nang subukan ko 'yon tanggalin at hubarin. Bakit... bakit ganito? Bakit ayaw?!

"No... No...." I whispered.

Why am I wearing this?!

Bigla kong naalala ang mga taong nandito sa bahay na 'to. They're all wearing weird mask. Does it mean....

No way.

Pilit kong tinanggal ang suot ko kaso ayaw maalis. Nakakabit ito at nakakonekta sa aking leeg. Mukhang kandado.

Kabado kong tiningnan ang aking sarili sa mga salamin.

I am.... scary.

Natigilan ako nang bumukas ang isang pinto ng kwarto malapit sa pwesto ko. Napaatras ako. May lumabas na lalaking may hawak na cellphone na natatawa.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon