Dollhouse 075

63.7K 3.8K 17.4K
                                    

🖇 sheena's note:
wazzup, marurupok!
here's the update :P

▬▬▬▬▬▬▬

"We need to talk," he said.

Pero noong hihintayin ko na ang sasabihin niya, tumawag muna siya ng tao niya para pakainin daw ako. Ang labo. The food is already on the table but they still served me. Siya naman ay nagphone lang ulit at pangiti-ngiti.

"Viewers are so entertaining. They're all overthinking," aniya tapos ngumiti ulit.

"Stop watching him. Eat," sabi ng nakamaskara sa tabi ko na tauhan ni Peter. He's wearing a scary scarecrow mask. Nakakatakot siya tingnan. Napalunok ako sa kaba.

"P-paano ako kakain?" tanong ko saka tinuro ang mask na hindi ko pa rin matanggal. Natahimik ang lalaki.

"Peter," tawag ng lalaking naka-mask sa tabi ko kay Peter na nakangiting ewan sa gitna ng mesa. 'Yong isa naman ay mukhang nainis dahil naistorbo siya.

"What?"

"Key."

Tiningnan niya 'ko.

"Tsk."

Tumayo siya at napansin kong papunta siya sa pwesto ko. They really locked this mask to my face! Ang bigat ng maskara. Mainit rin sa mukha. Lumapit si Peter at pwersahang hinarap ang upuan ko sa direksyon niya kaya napasigaw ako nang bahagya sa lakas pati na rin sa gulat. Peter simply rolled his eyes because of my reaction and he just leaned closer.

"Don't move," he warned using a low-tone.

I can feel my heart raising, surely not because of love but fear.

Peter raised his wrist. Nakita kong mayroon siyang silver bracelet at mayroong mga maliliit na susi na nakasabit sa pulso niya. Sobrang dami ng susi na nakatago sa lalaking 'to. Patunay na marami siyang kontroladong tao. Marami siyang pintong sinara. Marami siyang mukhang tinakpan. Marami siyang taong kinandado at hindi pa pinapakawalan.

He chose a key and unlocked my mask. Pinasok niya ang susi sa area na malapit sa batok ko. Ilang segundo lang ay may narinig akong nag-click. Dahan-dahan niyang tinanggal ang maskara mula sa 'kin. Nakaramdam ako ng lamig at gaan nang matanggal iyon. I can feel my face sweating. Peter stared at me with a serious face after he removed the mask.

"You wasted your pretty face."

Lumayo siya sa harap ko at tuluyan akong nakahinga nang maluwag. Hawak-hawak niya sa kamay niya ngayon ang maskara ko na muli niyang tiningnan.

"I designed this mask before I let you and your friends in," kwento niya habang pinapakita ulit 'yon sa 'kin. The mask has a heart shape under its eye just like how I looked like yesterday while the other eye is crying blood. Sobrang nakakatakot ng itsura.

"Tama ang hula ko na ikaw ang matitira. Naiinis ako kasi ayoko na lagi tama hula ko."

Inayos niya ang upuan ko nang walang kahirap-hirap at muling hinarap sa mesa na puro pagkain.

"I'll attach this back to you later. For now, you have to fucking eat. I cooked everything and none is poisoned."

Umalis siya sa harap ko at dinala niya pansamantala ang aking maskara. Habang pabalik siya sa upuan niya ay muli siyang muntik madapa. Natawa ang lalaking nakasuot ng scarecrow nang makita ang nangyari.

"Clumsy little shit," sabi ng naka-scarecrow kay Peter.

Si Peter naman ay inis na napabuga ng hangin.

"Ang sabi ko tanggalin lahat ng carpet sa bahay ko. Bakit ba kasi ayaw niyo makinig?"

"Nadudulas ka lalo kapag walang carpet. Muntik ka na mamatay, naaalala mo? Mas delikado ka sa tiles," sabi ng lalaking nasa tabi ko.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now