Dollhouse 042

62.1K 3.6K 8.5K
                                    

✦ ◉ •
Truth or Dare
DOLL 02 - BABE
Question:
Is it true that you
blackmailed your sister
to carry all the blame of
your videos or else you
will end your life?
. . . . . . . . .

── ♡├o JAVA

Babe did what?

Napalingon ako kay Babe na medyo natigilan. Lahat kami ay nakaabang sa kanya ngayon. Masama ang tingin niya sa screen habang binabasa ang tanong.

"Ah." biglang napadaing si Alpha saka napahawak sa tiyan niya. Kanina pa siya namimilipit. Babe looks so uneasy watching him. She bit her lip and answered the question...

"No." sagot niya. "I didn't blackmail my sister. She offered it herself and-----"

The screen turned RED.

"B-bakit.... Bakit ako naman ngayon ang pinagmumukhang masama?" frustrated niyang tanong habang tinitingnan kami. "I swear, I'm clueless. Hindi 'ko alam kung bakit ako ang dinidikdik dito at bakit ako ang pinagmumukhang mali!"

Mukha siyang naiiyak pero gusto niya rin ilaban ang opinyon niya kaya pinipigilan niya na lang.

"Did you ask your sister or not?" tanong ni Alpha saka napaubo.

Mabilis na umiling si Babe.

"Alpha, believe me, I didn't!"

Napahawak ako sa aking sentido sa mga naririnig kong tanong at sagot.

Which is the truth in all these lies?

Nagbago ang nasa screen para sa Dare ni Babe at---

Nakaramdam ako nang matinding kirot din sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay pinipilipit ang bawat laman ko. Napapikit ako sa sakit at napayuko na lang. Alpha is already in pain, I don't want to show them that I'm hurting too. Mas lalo kami mahihirapan kung maddistract kami.

"I'll win the game. I will save you." bulong ni Ichiro.

Hindi ko siya pinansin.

Nanatili akong nakapikit at pilit iniisip na hindi ako nasasaktan ngayon. Naiinis ako kapag naaalala ko ginawa niya. Hindi ko matanggap na ganoon ginagawa ni Ichiro sa'kin nang hindi ko alam. Alpha said he already changed. That's bullshit. He should have told me! Gunner already warned me before about Ichiro, sana nakinig ako.

Akala ko joke lang nila 'yon kaya tinawa ko.

Ibinalik ko ang mata ko sa screen at nabasa ang Dare ni Babe...

✦ ◉ •
DARE DARE DAREEEEE \(・ω・)ゞ
Chop a pinky finger off.
You can choose whoever you like.
Duration: 3 minutes
. . . . . . . . .

Nanlalambot ako sa mga nababasa kong dare para sa'min.

Pasimple kong nilingon ang sugat ni Ichiro. He's keeping his arm steady to lessen the pain. To be honest, I hate Ichiro right now. That's a fact. Karapatan ko magalit. Karapatan kong putulin na ang pagkakaibigan namin. Pero kahit galit ako, deep inside, nananalangin ako na sana hindi ko siya napuruhan. Hindi ko binaon masyado ang mga bubog. Natatakot akong may matamaan akong ugat sa kanya.

Napalingon siya sa'kin kaya umiwas ako ng tingin.

"Chop a finger and feed it to the rat in the table. Go, Babe. Timer starts now!" anunsyo ng chipmunks na parang excited.

Tumayo si Babe at 'yon ata ang pinakahindi ko inaasahan. Tumayo siya sa tapat ng table na punong puno ng metal na pwede niya pagpilian.

Chop a finger.

Napalunok ako at wala sa sariling napatingin sa aking daliri. It's already full of cuts and blood. Dahil ito sa dare ni Ichiro. Puro bubog kasi. Sugat sugat na din ang kamay ko dahil sa dalawang unggoy na pinagtripan kami ni Alpha.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon