Dollhouse 025

67.2K 3.8K 8.9K
                                    


"Bakit ka hinihingal?"

"Dorothy, I saw them...."

"Sino?"

"Sila... they were... I don't know... but I saw them running... and... and they were holding his head... he was beheaded... they... they... god..."

"Kumalma ka. Huwag ka mataranta, #%₩@&%."

"I can't. I can't. Ang hirap kumalma!"

"Shh. Relax. Ano bang sinasabi mo? Kumalma ka nga muna. Oh tubig."

"They killed him. They killed Prof. Azazel. Our friends murdered someone. I saw them. They were trying to hide the body. They.... they killed him and----"

"Ikaw lang ba nakakaalam?"

"Huh? What... what do you mean?"

"May sinabihan ka na bang iba?"

"What? No. Ikaw lang sinabihan ko."

"Good."

"Huh?"

"Wala ka pwedeng pagsabihan ng nakita mo."

"I'm sorry. What?!"

"We can't tell anyone what we saw tonight, okay?"

"Teka nga. Nandoon ka din? Nakita mo ba?"

"Yup. I even took a picture of it."

"What the hell? Kung ganoon, kung nagsasabi ka talaga ng totoo, sino ang nakita mo?"

"Sina %#@#% at &#%₩×+)!%, diba?"

"Tama. Nakita mo nga! But why, why did they kill him? Bakit nagpadalos-dalos?! Sila din ba pumatay kay Cara?"

"I'm not in the right position to say that."

"Cara and Prof. Azazel died within just one week. Shit."

"We can't tell anyone about what we witnessed. Mapapahamak ang dalawa. Pagplanuhan muna natin 'to. Huwag tayo padalos-dalos."

"Fine. Fine. Fuck. Hindi ko rin sila kayang isumbong."

"Never say a word about what you saw tonight. Act like you didn't witness anything, okay?"

✦ ◉ •

𝙔𝙊𝙐 𝘼𝙍𝙀 𝙉𝙊𝙒
𝙎𝙏𝙍𝙀𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂
𝘿𝙊𝙇𝙇𝙃𝙊𝙐𝙎𝙀

DEATH ROULETTE
WILDCARD ROUND
Team Paper vs. Team Rock

▬▬▬▬▬▬▬



── ♡├o BABE


"Masaya ako na nanalo tayo pero shemay paano sila?!"

"Flame, alam kong bingi ka pero kami kasi hindi. Huwag ka nga sumigaw nang sumigaw."

"Gunner, ang haba naman. Ano ulit?!"

"I said don't fucking scream!"

"Tsk. Fuck lang nabasa ko! Minumura mo na naman ba ko?!"

Hindi na sila natigil dalawa. Tahimik kong pinanood ang dalawang grupo. Totoo ba? May mababawasan na naman mula sa kanilang anim? Flame and I share the same opinion. Masaya akong natalo ko ang grupo nila Java, pero paano naman sila?

Namatay ang ilaw sa dalawang grupong natitira. Muling tumunog ang nakakarinding alarm at pikit mata akong napatakip ng tenga. It's so loud! Ang sakit sa ulo!

"May alarm na naman ba?!" sigaw ni Flame.

Sa sobrang lakas ng tunog ay maski si Gunner ay napaluhod sa sahig habang takip takip ang tenga. Sunod sunod na mura ang lumabas sa bibig niya.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon