Dollhouse 037

68K 4K 15.9K
                                    


"Babe..."

May naramdaman akong humahaplos sa buhok ko. What is this soothing feeling? Why is this so familiar?

"Babe, wake up. Iuuwi na kita. Hey." the gentle fingers brushing my hair continued. That raspy voice... it was my favorite. Napadilat agad ako nang mapagtantong siya din ang humahaplos sa buhok ko gaya ng dati.

"Gunner?"

He smirked. "Finally, gising na ang tulog mantika." natatawa niyang sabi saka pabirong ginulo ang buhok ko.

Where are we? Nasaan na ang iba?

Napalingon ako sa paligid. Nasa Andromeda bar kami. Nakatulog ako sa isang stool sa tapat ng bartender. Si Gunner ay nakaupo din sa stool ngayon at kadami ko. Ang daming tulog sa paligid na mga ka schoolmate ko. Ang iba ay nagliligpit ng mga ininuman. Nakita ko sila Hera at Alpha sa hindi kalayuan na natulong sa pagliligpit. Sila Ichiro naman ay nagpapatugtog ng kung anu-anong music. Si Flame at Java naman ay nakain ulit sa isang mesa pero juice na ang iniinom.

"Anong problema? Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ni Gunner na nagtataka. "Tsk. Sabi ko kagabi mag-palit ka muna ng damit eh. Oh. Isuot mo nga muna 'to."

Inabot niya ang malaki niyang hoodie sa'kin pagkatapos niya kong alalayan bumaba ng stool. Natulala lang ako. Ni hindi ko masuot ang bigay niya. "Gunner, nasaan na ang Dollhouse?"

Nagsalubong ang kilay niya.

"Dollhouse?"

"Nakidnap tayo, Gunner---" napatakip ako ng bibig at hindi na natuloy ang sinasabi. Nananaginip lang ata ako ngayon.

"Babe, okay ka lang? Lasing ka pa din ba?" seryosong tanong niya sa'kin saka pinitik ang noo ko. Napahawak ako doon at natutulalang tiningnan si Gunner. He looks so real. "Pasaway ka kasi. Sabi ko huwag ka iinom eh. Tsk! Tara na. Uuwi na tayo."

Nilingon ko ang paligid.

"Nasaan sila Claude, Echo at Dorothy?"

"Huh? Ahh. Nauna na sila."

Nauna?

Hindi ako makasagot. Si Gunner naman ay nagtatakang nakatingin sa'kin.

"Babe?"

Everything looks so real. Nalilito tuloy ako kung ano ang totoo. Panaginip ba ang Dollhouse o panaginip lang 'to?

"Babe, mukhang tulog pa kalahati ng diwa mo. Halika nga! Magkape tayo. Iwan na natin Decagon diyan. Malalaki na sila. Kaya na nila 'yan iligpit." natatawang sabi niya saka ako hinawakan sa kamay. Napatingin ako sa kamay namin. His warm hands feels so real too.

"Walamporeber!" sigaw ni Ichiro sa likod ng speaker habang nagpapatugtog.

Natawa ang ibang Decagon sa mapang-asar na boses ni Ichi.

"Hoy, Gunner. Iuwi mo na 'yan. Patay ka sa mommy niyan." saway ni Alpha habang may buhat na plato.

"Samahan na kaya natin? Mukhang lasing pa si Gunner sa inuman niyo. Tayo na maghatid." narinig kong suggest ni Hera.

"Tapos ano? Ako na lang magliligpit ng kalat kasi aalis din kayo?" epal na sigaw ni Ichiro kela Alpha. "Hoy, Gunner. Mauna na kayo. Huwag lang didiretso ng motel, okay?!"

"Hayop ka talaga, Ichiro!" natatawang sabi ni Gunner saka tinaas ang kanyang gitnang daliri. Mabilis siyang ginantihan ni Ichiro at tinaas din ang kanya, sa dalawang kamay pa.

"Hey!" saway ni Hera.

"Ang iingay naman!" sigaw ni Flame at tumawa naman si Java na nasa iisang table at nakain.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now