Dollhouse 030

63.3K 3.5K 7.2K
                                    


"Flame, what's wrong?"

"N-nothing. Bakit?"

"You look strange. Para kang may nakitang patay."

"Huh? Ah. Hahaha. Hindi. May nakita lang akong... kakaiba kanina."

"What is it?"

"It's nothing, Alpha. Don't mind me. By the way, nandito ba sa dorm niyo si Gunner? May importante akong kailangan sabihin."

"Oh. Sayang hindi mo naabutan. Nagkasalisi kayo. He's with Babe. Dumaan sila dito pero umalis din agad. Nakita ko silang umalis gamit ang motor niya kani-kanina lang."

"Ah. Okay.... Uhhm.... Sige. Una na ko, Alpha. Pakisabi na lang na dumaan ako."

"Aalis ka kaagad? Kakarating mo lang. Dito ka muna---"

"Nagmamadali din kasi ako eh. Una na 'ko."

"Wait for me. Hatid na kita. Magsoot lang ako ng sapatos."

"H-huwag na! Kaya ko na."

"Pero gabi na. Delikado sa daan."

"Tss. Ako pa. Sila nga dapat matakot sa'kin. Ako ang delikadong makasalubong sa daan. Hahaha!"

"Alpha, sinong nandiyan?"

"Teka. Si Java ba 'yon? Aba siya nga! Hoy, Java! Bakit ka nandito sa boys dormitory?"

"Flame? Bakit ka din nandito---"

"Istorbo naman, Flame."

"At magkasama pa kayo ni Ichiro! Hoy, Ichiro! Bakit kayo magkasama ni Java?"

"Bakit? Bakit? Masama?!"

"Oo. Kayo ba?!"

"Oo---- aray. Huwag mo ko hampasin, Java. Grabe. Sadista. Nagbibiro lang eh."

"Hindi kami, Flame. Tara. Uwi na tayo. Sabay na ko."

"Hatid na namin kayo ni Ichiro."

"Oo, sama kami ni Alpha!"

"Pero ano muna ginagawa mo dito sa dorm nila, Java?! Baka kung ano isipin ng ibang tao kapag nakita ka dito. Maissue ka na naman sa Lancaster. Dami na nga issue ni Babe, baka pati ikaw magkaroon din."

"Aish. Hayaan mo sila. Sanay naman na tayong Decagon sa mga ganon."

"Pero ano nga ginagawa mo dito?"

"Pinapunta ako ni Ichiro."

"At bakit mo pinapapunta dito si Java, Ichiro?"

"Sa'min na lang 'yon, Flame. Our relationship needs privacy, you know?"

"Awit. Sana ol magaling mag-ilusyon."

"Anong ilusyon ka diyan? Kami nga sabi! Matagal na!"

"Utut."

"Kung ano-ano na namang words tinuturo sa'yo ni Gunner!"

"... At nagtalo na nga sila."

"Tara na nga!"

"Bakit ka nandito, Flame?"

"May sasabihin sana akong importante kay Gunner."

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o JAVA
  
 
Nanlalambot ang aking tuhod.

Sabi na nga ba at papalpak ang bato ko.

Bakit naman sa 5 pa talaga tumigil?

Bakit naman sa may ahas agad?

"Seryoso ba na papasok ako sa 05, guys?" tanong ni Flame. Natatawa siya. 'Yong tawa niya ay halatang kinakabahan na. Dapat kasi siya na lang ang tagabato ng die para ligtas siya eh. Bakit ba kasi naging ako bigla? Tsk. Lagot. "H-hoy, sagot. Ako ba talaga papasok sa 05?"

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon