Dollhouse 039

63.5K 3.7K 10.2K
                                    


✦ ◉ •

DARE DARE DARE! ヘ(๑⚆ᴗ⚆๑)ノ゙
Java, we dare you to bury thirty shards of glass to Ichiro's skin in three minutes. Good luck!

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o BABE

Muling nagsalita ang chipmunks sa speaker. "Failure to do the dare will make you automatically nominated. Timer starts.... Now!"

Napalunok si Ichiro saka diretsong tumingin kay Java na walang pag-aalinlangan. Nagulat kaming lahat nang siya mismo ang kumuha ng baso na puno ng bubog saka inabot kay Java.

Tumakbo na ang timer! Hala!

00:02:59

"Java, bilis!" sabi ni Ichiro, nanginginig ang kamay ni Java na humawak sa baso.

Napalunok ako sa kaba.

Kuya Ichi....

Si Java ay medyo hindi pa nakakarecover sa picture na nakita kanina sa screen. Namumutla padin siya. Napatingin siya sa baso na puno ng bubog. Ang lalaki ng mga 'yon. Thirty ang itutusok kay Ichiro?!

"Ilan na natutusok?" seryosong tanong ni Alpha.

"Wala pa. Java, galaw. Shit." sagot ni Gunner na napatayo na sa upuan sa kaba

"Java, bilis na!"  sabi ni Ichiro. Tumatakbo ang oras. Si Java ang automatic na manonominate if hindi siya kikilos.

"S-saan mo gusto?" kabadong tanong ni Java.

Medyo namutla din si Ichiro. "Dito na lang sa braso. Bilis na!"

"Shit. Shit. Shit." palakad lakad na sabi ni Gunner, tumutunog ang posas na nasa paa niya.

Kumuha si Java ng bubog saka mabilis na binaon sa braso ni Ichiro. Napaawang ang labi niya sa sakit. Agad iyon nagdugo! Umagos ang dugo niya, maski si Java ay nahawakan iyon nang tumulo. Ang lalim!

"Isa palang..." bulong ni Gunner habang nakatingin sa timer

"Bilis!" sigaw ni Ichiro.

Nahihirapan si Java hawakan ang bubog sa sobrang talas! Pwersang pinunit bigla ni Hera ang laylayan ng damit niya saka inabot kay Java. "Ibalot mo sa kamay mo saka mo hawakan ang bubog para hindi masyado masakit! Dali na!"

Agad iyon kinuha ni Java.

Two minutes and twenty seconds na lang!

Kaya ba?

"Ano na nangyayari?" tanong ni Alpha sa'kin.

Napalunok ako. "Isa palang natutusok."

"Java, bilis na. Huwag mo ko isipin!" pagpupumilit ni Ichiro.

Inis na napapikit na lang si Java. Pagkadilat niya ay tumingin siya sa screen. Dalawang minuto na lang!

Naiiyak siyang napatingin kay Ichiro saka napailing.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now