Dollhouse 047

58.6K 3.8K 8.3K
                                    

"Sasagot ka o pasasabugin ko bungo mo?"

Natigilan sila sa mga narinig.

Maski si Alpha ay napatango at napalunok na lang.

"Gunner, we need to find her. Now."
  
 
 
── ♡├o BABE
 
 
"Babe, bakit mo ba kasi hindi pa sinamahan si Flame?" medyo naiinis at nagtatakang tanong na naman ni Ichiro sa'kin.

I saw her with a gun and a dead body. Flame obviously hates me too. Bakit ba hindi nila maintindihan ang side ko?

"Hayaan niyo na, natakot siguro." sagot ni Alpha.

"Hindi nga dapat siya matakot kasi si Flame naman 'yon--- ay ewan!" rinig kong sagot ni Gunner kay Alpha, halatang naiinis na naman siya.

Nagtalo pa tuloy sila. Hindi na lang ako nagsalita. Tahimik at mabilis na lang akong naglakad ulit para hanapin silang lima.

Hindi ko alam kung ano dapat ko maramdaman.

Bakit ba parang sila Flame at Java lang hinahanap nila? Paano naman ako? Akala siguro nila hindi ko naririnig mga pinag-uusapan nila. Kapag ba may anger issues din ako gaya ni Flame ay hahanapin nila ko?

Puro kalabog ang naririnig namin ngayon sa mga speaker.

Si Java ay hindi na ulit namin naririnig.

"Marunong ba gumamit si Flame ng baril?" rinig kong tanong ni Ichiro. Tila hinihingal na kakalakad ang mga boses nila.

"Uhh... oo." sagot ni Gunner.

"Gunner, di ba ang sabi ko huwag mo tuturuan ng kabrutalan ang babaeng 'yon? Una, dinala mo sa underground. Sunod tinuruan mo makipagbasag-ulo. Ngayon malalaman namin tinuruan mo gumamit ng baril?" seryoso ang boses ni Alpha.

Si Gunner naman ay napamura bigla dahil sa sermon. "Basta. Maingat naman ang babaeng 'yon at----"

Bigla kaming nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril!

Napatakip ako bigla ng tainga at napayuko. Sobrang lakas ng mga putok ng baril! Tuloy-tuloy at mukhang hindi lang galing sa isang tao. Mukhang malapit na ata sa pwesto ko ang mga tunog!

"Malapit ata sila sa'kin." sabi ko na sa speaker.

Hindi ko alam kung sa kanan o kaliwa ako dadaan! Naririnig ko ang tunog sa parehas kong gilid!

"Too risky. You need to hide." sabi ni Alpha.

"Naririnig din pala nila tayo!" komento ni Ichiro.

"Tsk. Magtago ka muna, Babe." utos ni Gunner.

Palakas nang palakas ang tunog ng mga baril. Sino binabaril nila?!

Tatawid na dapat ako sa kabilang shelf nang may narinig akong yabag ng paa na natakbong mabilis at mapapadaan sa direksyon ko.

"Shit. Shit. Shit." bulong ko saka yumuko. Hindi ko alam kung saan ako liliko at pupunta!

Nanatili akong nakayuko sa pwesto ko.

It's getting closer!

Tinakpan ko ang bibig ko nang mahigpit.

Tuluyan kong nakita ang natakbo. Nakaitim itong damit at hoodie, may suot itong maskarang puti na at may hawak na libro sa kanang kamay at baril naman sa kaliwa. Mabilis parin ang kanyang takbo. May pamilyar na tattoo sa kanyang kamay kaya nakilala ko siya.

May nakasulat na numero sa kanyang kamay na katulad ng akin. Pero ang numerong nasa kanya ay iba.

10.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now