Dollhouse 023

68.1K 3.8K 6.2K
                                    


"Baka si #@!%&#%@!& ang mapagbintangan dahil dito. Bago tayo dumating ay nandito siya. Baka siya ang sumalo ng nangyari."

"That's possible, but don't worry. I'll protect #@!%&#%. Walang Decagon ang madadamay sa nangyari ngayong gabi."

"CCTVs are all over the place. Sigurado ka bang hindi tayo papalpak dito?"

"Already handled it. Patay na lahat ng cameras. Walang makakaalam ng ginawa natin."

"Are you sure?"

"Yup. Hundred percent sure."

"What should we do next?"

"Let's chop the asshole."

▬▬▬▬▬▬▬

Loading...

50%  ●●○○

75% ●●●○

100% ●●●●
 
 
Successfully loaded!
 

✦ ◉ •

𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝘽𝙖𝙘𝙠 𝙩𝙤
𝘿𝙤𝙡𝙡𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚

── ♡├o Dolls Collected:
Alpha • Babe • C̶l̶a̶u̶d̶e̶
Dorothy • Echo • Flame
Gunner • Hera • Ichiro • Java

Cameras Activated: 90/100
Site: ONLINE
Current Task: Death Roulette
Dolls Awake: 9/9
 
 

── ♡├o FLAME
 


 

So yun na nga, nagpadalos-dalos si Gunner at bumoto agad ng kakalabanin. Jusmiyo 'yong mga matatalino pa talaga ang hinamon! Ano laban namin kay Dorothy, Ichiro, at Hera?!

Ops. Joke lang. Hindi threat si Ichiro! HAHAHA!

"Gunner, may mapapahamak na naman dahil sa pagka-reckless mo! Punyeta!" saway ko habang pinaglalaruan ang roleta. Nagsasalita na naman si Gunner. Umirap ako. Bahala siya diyan,  sinabing wala akong marinig.

Napapanood namin sa screen ngayon ang grupo nila Hera. Nag-uusap din silang tatlo sa kabila. Kaso naka mute na 'yong video na pinapakita sa'min para hindi namin sila marinig. Tss. Edi wow. Nagplano pa eh roleta lang naman to!

Pero ugh--- MALAS AKO SA GANITO!

Kapag napusta ako sa underground battle kasama si Gunner ay lagi akong talo. Never pa kong nanalo sa paswertihan. Bahala na.

Sila Babe at Gunner na lang magspin kapag start na.

Biglang bumuka ang labi ni Babe. May sinasabi ata siya. Kausap niya ata 'yong isang lalaking beastmode. Ay ewan. Bahala sila mag-usap diyan ni Gunner. Kanina mukhang ewan ang dalawa. Nagtatalo pa ata. Namumula si Gunner sa galit kanina eh, si Babe naman naiyak.

Whatever.

Siguro pinag-usapan nila ang past nila. Tss.

For sure naman ay never na sila maaayos. They're messed up and everyone knows it. Ang tanga tanga kasi ng isa sa kanila. Nakakabadtrip. Gustong-gusto ko na sabihin ang alam ko kaso baka malalagot ako. Pero kailangan 'yon malaman ng lahat! Ugh. Ang hirap naman mag-decide.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon