Dollhouse 052

65K 3.9K 12.9K
                                    

sheena's note:
wazzup. i hope you enjoyed ur holidays :D eto na po ang
ud hehe. quick flashback sa mga nakalimot ng nangyari from the prev update. idk how to flashback so ganito na lang (sabog ako sa lahat ng bagay, sorry haha) ehem okay eto na:

▬▬ FLASHBACK (⚆‿⚆)(ʘ✖ʘ ) ▬▬

- DAY 05 started (labyrinth library)

- goal: survive from killers, find the exit

- babe saw flame and java kaso
hindi siya nakasunod sa dalawa.

- nagtagpo si java and flame.

- tapos nagkita na rin silang lima
(flame, java, gunner, ichiro, alpha)

- medyo nagtalo si gunner at java

- napagdesisyunan ni gunner na
manahimik na lang.

- meanwhile, babe is still missing

- she decided to wear a killer outfit
as a disguise since she's still alone

- she crossed path with a granny
carrying multiple weapons

- binigyan siya ng baril at
pinayagan pumatay ng kahit sino.

- "only peter will know", the granny said.

- muntik mabaril sa flame

- nagalit si gunner. sumugod.

- sumunod ung apat (01, 06, 09, 10)

- may nakita sila java, ichi at alpha na
matandang nagtutulak ng cart na puro
weapon. namimigay daw siya ng baril.
napatigil ung tatlo dahil kay lola haha

- si flame, ayon, nawala na ulit.
hindi niya alam na wala na ung
tatlo sa likod niya kakasunod kay
gunner.

- si gunner naghahabol pa rin.
(sana ol naghahabol)

- ung tatlo (01, 09, 10) may weapon na.
si flame ay ayon, water gun pa rin lol

- at eto na ang continuation. enjoy! :D
(ganito ako magflashback. thanks.)
 

✦   ◉   • 

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o FLAME
 
 
Una sa lahat, mabilis tumakbo si Gunner. Kaya noong nakita ko siyang tumakbo pagkatapos akong muntik barilin, alam kong masamang balita 'yon lalo na kay Alpha na walang nakikita.

"Hoy, hintay!"

Pangalawa, si Gunner, wala siyang paki sa mundo. Kapag galit siya, susugurin niya agad. 'Yon nga ang nangyari. Para siyang papatay ngayon habang nakatutok ang baril niya doon sa natanaw niyang muntik bumaril sa'kin.

Lumingon ako sa likod ko. Nakasunod sina Java, Ichi, at Alpha. Shit. Ang bagal nila tumakbo!

"Huwag mo na habulin!" sigaw ko doon sa isa saka mas binilisan ang aking pagtakbo. Hinihingal na 'ko. Kanina pa 'ko natakbo at lakad nang lakad. Nauuhaw na rin ako!

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon