Chapter 1: Present

2.2K 60 0
                                    

AN: Don't forget to Follow me! Thanks!

(Ayumi's pov)

"Lola!!!!! Im hoooommeeee!!" Masaya kong sigaw sa malaki naming bahay ni lola monica.

Sinalubong naman ako ni lola sa pagpasok ko sa kusina na alam kong dito sya namamalagi tuwing umuuwi na ako.

"Anong dahilan ng yung kaligayahan apo?" Casual na tanong ni lola. Ganyan talaga sya mag salita kaya nasasanay na rin ako.

"Lola, may natanggap po akong sulat galing sa isang eskwelahan. Ito po oh!" Masaya kong pagsusumbong sa kanya at binigay ang sulat na nakuha ko sa mail box namin doon sa labas na dinaanan ko galing sa mall..

Kinuha naman ito ni lola at umupo sa silya. Iniwan ko muna doon si lola at pumunta muna ako sa kwarto ko at sandaling nagbihis, bigla naman akong nakarinig ng pagkabasag kaya patakbo kong binalikan si lola sa kusina at nakita syang natatarantang linisan ang nabasag na baso.

"Lola anong nangyare?" Bakas ng pagaalala kong tanong sa kanya, lumingon naman sya sakin at binigyan ako ng pilit na ngiti. Kahit medyo may katandaan na si lola ay kaya pa naman nyang gumalaw ng parang bata kaya minsang na akong nagtaka pero hindi ko na iyun pinagtuunan ng pansin.

"Apo, kailangan mo ng magligpit ng gamit mo dahil maya maya lang ay kukunin ka na ng isang sasakyan papuntang paliparan" umupo naman si lola sa silya habang sinasabi ang utos nya kaya nagtaka agad ako.

"Ngayon na?" Takang tanong ko.. nilingon naman ako ni lola at hinawakan sa kamay ko at pinaupo sa kabilang silya.

"Oo apo, dahil ilang araw nalang at magsisimula na ang klase kaya't ihanda mo na ang sarili mo" sagot naman nya at hinawakan pa ang mukha ko, di ko naman maiwasang kabahan sa inaakto ni lola, mukha itong namamaalam, "apo, kapag nakarating ka na doon ay wag mo sanang kalimutan na mahal na mahal kita. Tandaan mo yan, at sana'y kung ano man ang matuklasan mo doon ay sana'y tanggapin mo ng may katapangan at magiingat ka apo." Sabi pa nito at nakita kong lumandas ang luha nya sa maputi nitong mukha. Nagtataka man pero binigyan ko nalamang sya ng isang ngiting puro.

"Opo lola. Mahal na mahal ko din po kayo." Sagot ko at niyakap si lola. Naguguluhan parin ako sa inaakto ni lola pero alam kong dadating ang araw na malalaman ko rin yun. Kailangan lang ng tamang panahon.

"Sige na apo, ihanda mo na ang mga gamit mo" salita ni lola kung kaya't sinunod ko na lamang ang gusto nya.

Pumunta agad ako sa kwarto ko at kinuha lahat ng damit ko sa closet, nilagay ko ito sa isang malaking itim na malita at nagkasya naman lahat doon. Hindi naman kasi ako katulad ng ibang babae na mahilig sa damit. Nilagay ko narin sa malita ang mga kagamitan ko na nasa banyo at iilang importanteng gamit.

Naligo narin ako at nagbihis ng simpling blouse at high waist na fitted black pans at isang itim na flat sandal. Minadali ko namang tinali ng nakabraid ang buhok ko yung simpli lang.

Lumabas na ako ng kwarto dala dala ang malita ko. Nakita ko naman si lola na nasa may pintuan ng mansyon at parang may kinakausap. Nang marating ko na ang kinatatayuan nila ay nakita ko ang isang nakatoxido na lalake, matangkad ito at matigasin kong tumindig. Nilingon naman ako ni lola ng maramdamang nasa likod na nya ako, ngayon ko lang napansin na may hawak hawak pala sya na isang maliit na kahon.

"Apo, ilagay mo ito sa mga gamit mo. Ano mang mangyare sana'y wag mo itong iwawala." Tyaka nya binigay sakin ang kahon. Tinanggap ko naman ito at sinilid sa malita ko.

"Tayo na po ms.hidward" sabi ng lalakeng nasa harapan namin. Tumingin nama ako kay lola.

"Sya ang maghahatid sayo sa paliparan apo, paalam. Magiingat ka" paalam ni lola kaya namaalam narin ako sa kanya at niyakap sa huling pagkakataon. Mahal kita lola.

Pumasok na ako sa sasakyan at kumaway kay lola. Hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Napatingin naman ako sa daan na tinatahak namin. Ito na ba talaga? Magkakalayo na naman kami ni lola. Mahirap man pero kailangan kong magaral para sa kinabukasan ko.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang airport at tinulungan naman ako ng lalaki, sa halip ay sya ang nagdala ng malita ko at hinatid na ako sa waiting area, sabi pa nya ay hintayin ko lang daw na tawagin ang flight para sa St. Olivia Dominggo plane daw. Kakaiba man pero hindi ko na ito tinanong pa, may binigay naman sya sakin na isang passport at mga papelis. Umalis na sya ng masiguro nyang okay na ako.

Dumaan ang ilang oras at nababagot na ako kakahintay ng flight.

"Hi!" May biglang bumati sakin kaya't napa lingon ako sa babaeng nakangiti sakin na mukhang nerd sa full bangs nito at kasing itim ng gabi ang buhok at nakasuot sya ng salamin although hindi naman ito bilog at nakaupo ilang silya ang layo sakin. Kumaway naman ito sakin kaya't kumaway din ako at ngumiti.

"SOD passengers ka rin ba?" Tanong nito, napaisip naman ako. SOD? St. Olivia Dominggo ba yun? Pero mukha naman. kaya't mahina akong tumango. Nagulat ako ng lumapit ito sakin at nilahad ang kamay nya kaya't tinanggap ko naman ito para makipagkamay.

"Im Allea Sanrio Cortez, fourt year from SOD. Nagbakasyon lang ako dito at katulad mo papunta na din ako doon. Ikaw? Bago ka lang ba?" Ani nito at mainam na nakatitig sakin. Kahit creepy man sya sa paraan ng pagtitig nya ay sinagot ko naman ito ng mainam.

"Ahh, ako nga pala si Anastasia Ayumi Hidward, first year din. At oo bago lang ako" tumango tango naman ito.

"FLIGHT FOR SOD PASSENGERS PLEASE PROCEED TO THE PLANE'S AREA RIGHT NOW" sabay naman kaming napatayo nang marinig na ang SOD. Di ako sigurado pero ito na siguro ang tinutukoy ng lalakeng naghatid sakin.

Sabay naman kaming pumila sa mga teenager na mukhang estudyante din ng sfd.

Kasalukuyan pa kaming nasa himpapawid papunta sa lugar kung nasaan ang SOD. Dahil sa kadaldalan na rin ni lea-- yung nakilala ko sa airport-- ay nalaman kong aabutin pa kami ng ilang araw sa himpapawid at magiging mahirap ang byahe namin at di ko naman akalaing totoo iyun. At ngayon ay ikalimang araw na namin at ang sabi pa ni lea ay huling araw na daw ito at kinakailangan naming maghanda sa pagpasok namin sa barrier.. di ko man maintindihan kong bakit may barrier pa ay pinilit ko nalang wag mag tanong.

"PASSENGERS PLEASE STAY SAFE AND HOLD ON FOR AN HOUR BECAUSE WE ARE NOW ENTERING THE BARRIER OF MNEMESYN"

Rinig kong announced kaya hinigpitan ko ang kapit sa seat belt ko at napatingin kay lea na parang nagising sa announcement..

"Mabuti naman at malapit na tayong makarating dahil nanakit na ang pwet ko sa kakaupo dito" natatawa nyang salita at lumingon sakin.

"Ako nga rin eh.. pero may tanong ako lea" mahinang ani ko at mainam ko syang tinitigan. Hindi ko na kasi kayang magtimpi pa dito "Ano bang pinagsasabi nyong barrier ni MNEMOSYN? Ano kayo naka drugs? Wala namang ganyanan" natatawa kong salita sa kanya, pero kinunutan naman nya ako ng noo.

"Hindi mo alam? Yun ang barrier na ginawa ng bathalang si mnemosyne para sa buong akademya pamprotekta sa ating mga immortal." Sagot naman nito na ikinasinghap ko. Wait. Did i just hear? Immortal?

"W-what do you mean? Immortal ka? Woah! Napakalakas naman ata ng drugs na ginamit mo." Natatawa ko paring sagot at may iling iling pa. Ito naman ang nagulat at nanlalaki ang mata.

"Wait! Hindi ka immortal?" Tanong nya pero biglang yumanig ang eroplano kung kaya't napahawak ako ng masmahigpit sa seat belt.

"Lagot na! Nakapasok ka na sa barrier" halatang pagaalalang salita ni lea sa tabi ko. Habang mahigpit parin kaming nakahawak sa seat belt namin dahil hindi parin na tumitigil sa pagyanig ang eroplano.

"Bakit ano bang meron pag nakapasok na ako?" Tanong ko dito at nilingon sya. Na nakatingin din pala sakin.

"Hindi ka na makakabalik sa mundo mo" mainam nitong salita at tinitigan ako sa mata.
"Ang daan at eroplanong ito ay papunta sa SANCTUARY OF DEMIGODS ACADEMY O SOD academy. At malabong hindi ka na makakabalik sa iyung mundo." Sabi pa nito na ikinangunot ng noo ko. Kumalabog naman ang tibok ng puso ko na halos hindi na ako makahinga. Ibig sabihin....

"Maling eroplano ang sinakyan ko?"

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now