Chapter 5

539 27 0
                                    

(yumi's pov)

Natapus narin sa wakas ang mga klase namin sa hapon at ngayon iniisip ko na kung pano ko ba kakausapin yung lalakeng si greyson. Hayystt =_=

Lalabas na sana ako sa classroom namin kasama si lea ng may bumulong bigla sakin.

"Library 7 pm." Huli kong nakita si Zechariah na mabilis nang umalis. Na gets ko naman agad ang ibig nyang sabihin kaya napatingin ako sa relo ko at nakitang 5 palang.

"Nga pala yumi, tuwing matatapos ang klase natin, ay tuturuan kitang maging isang tunay na enchantress okay? Sa ngayon, sa library muna tayo" aniya bigla ni lea. Napatango naman ako saka sumunod sa kanya sa library, buti nalang at pupunta kami doon dahil di ko alam kung pano sasabihin sa kanya ang tagpuan namin ni Zechariah sa library.

Narating naman agad namin ang library at marami rami din palang estudyante ang nagpupunta dito para magaral. Inaya naman ako ni lea na maupo sa pinakadulong bahagi ng library at sya ang kumuha ng librong pagaaralan ko daw. Habang naghihintay nakita ko nagmasid muna ako sa mga estudyante at napansin kong iba iba talaga ang kasuotan ng lahat. Napansin kong biglang nagiba ang hangin tapos nagbukas yung pinto ng library at pumasok ang isang babaeng naka whole dress na kulay itim at nakangiti ng malapad, maganda sya pati ang hubog ng katawan pero tila may hinahanap itong tao at lumapit sya doon sa isang lamesa sa may gilid at naaninag ko si hiko doon, yung si inglessor.

"She's Penelope Fernandez, daughter of Persephone, a perfect wife for Kasuhiko Inglessor son of hades. Both bitchiest" biglang sulpot ni lea sa harap ko, natawa naman ako sa huli nyang sinabi. Napatingin naman ako sa mga librong kinuha nya nang magsalita ulit si lea

"This is a history of enchantress origin, a spell book used by enchantress only." Anito at nilapag sa harap ko ang dalawang libro. Malaking libro ang history pero Yung spell book naman ay parang isang notebook lang pero mas maliit siguro.

"Yang spell book ay pwede mong iuwi since tanging ikaw lang ang gagamit nyan, sa pagkakaalam nila." Anito pa at umupo sa harap ko. "Magbasa ka na"

Gaya ng sabi nya ay sinimulan ko ng buklatin ang malaking libro.

*****

Halos matapos ko na ang pagbabasa nang makuha ng huking pahina ang atensyon ko, Nakapaloob dito ang litrato ng cursed queen na sinasabi nila lea. Bigla tuloy akong nacurious tungkol sa kanya.

"Bakit tinatawag syang cursed queen?" Tanong ko kay lea na nagbabasa din ng libro. Sinarado naman nya ang libro na binabasa saka tumingin sakin.

"Well, isa syang enchantress" anito at tinignan ng mapanuya ang librong binabasa ko na nakabuklat sa huling pahina. Para naman akong nabato sa sinabi nya. "She was the princess of enchantress, a great and wonderful woman. But.. it all ends when she was fall into a man" anito na parang nagkikwento na. Nakikinig lang ako sa kanya habang nilalarawan sa isipan ko ang prinsesa ng enchantress. "Naging maganda naman ang pagsasama nila, pero, nagkaroon ng alitan sa kanilang dalawa na walang sino man ang nakakaalam at nawala ang pagmamahal ng prensesa sa lalake at dahil di matanggap ng prensesa, nagpasailalim ng masamang spell ang prensesa at simula noon ay binansagan na syang cursed queen, dahil lahat ng hinahawakan nya o humahawak sa kanya ay NAMAMATAY."

Halos putlang putla na ako sa huling sinabi ni lea.

"Talaga? Grabe naman." Aniya at sinara na yung librong hawak ko.

"Kaya ikaw, mag-ingat ka dito. Dahil baka akalain nila, magkauri kayo ng cursed queen. Pero alam mo, hindi naniniwala ang mga enchantress sa sinasabi ng council patungkol sa prinsesa dahil bukod sa wala namang katibayan ang mga council liban nalang sa isa sa kanila na nakawitness kuno, pero gaya nila, hindi rin ako naniniwala." Sabi pa ni lea at medyo lumapit pa sakin kaya lumapit narin ako. Mukha na nga kaming timang sa ginagawa namin, pero di langyung mukhang alam ko na kung anong susunod nyang sasabihin. "Kaya-"

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now