Chapter 11: Past

429 24 2
                                    

(yumi's pov)

"Its been one week and she's still not waking up"

"Let her be, i know she's so tired"

"Why did you bring her here, son?"

"She saved me. And i owe her my life"

"Nakalimutan mo na bang, kauri nya ang kumuha sa reyna?"

"Alam ko Uncle. But, she's out of that issue"

Finally ay naisipan ko naring buksan ang mga mata ko. Bumungad sakin ang maputing kisame. Nilibot ko sa buong paligid ang paningin ko at nakitang may iilang tao na nakatayo ng patalikod sakin. Sinubukan kong tumayo pero isang kamay ay pumigil sa balikat ko at syang pagharap rin ng dalawang tao na naguusap.

"It's good that your awake, yumi" napatingin naman ako sa humawak sakin sa balikat. Niyakap nya ako at ganun rin ako.

"Nasaan tayo, lea?" Tanong ko rito. At sinubukang tumayo ulit, pero kumirot bigla ang sugat ko na malapit sa puso.

"Wag ka munang gumalaw. Hindi pa masyadong magaling ang sugat mo" napatingin naman ako sa hari na nakatayo sa gilid ko. Bumalik ako sa pagkakahiga bago nilibot ang paningin sa paligid. Tila pamilyar sakin ang mga kagamitan rito, inalala ko kung may alaala ba ako rito pero wala.

"Nasa kaharian tayo ni haring ercel." Sagot ni lea sa tanong ko.

"Apparently, sa kwarto ng reyna" singit ng lalakeng may katandaan na kausap ni haring ercel kanina.

"Salamat nga pala sa pagligtas sakin" salita ng hari. Tumango lang ako. At pinikit muna ang aking mata. Dahil mukhang ngayong ko lang napansin ang kirot na nararamdaman.

"I think you need some rest. Hayaan muna natin sya" rinig kong salita ng hari. Naramdaman ko naman ang pagalis nila sa silid saka ko binuka ulit ang mata ko.

Dahan dahan akong tumayo at nilibot ulit ang paningin sa buong silid. Ewan ko pero pakiramdam ko ay miss na miss ko na ang kwartong ito. Lumapit ako sa may study table at nakitang may picture frame roon. Nandoon ang isang babaeng hindi ko akalain. Si lola.

Nakangiti ito ng malawak habang karga ang batang babae na may kulay ginintuan na buhok. Tinignan ko ng maigi ang litrato at napaupo nalang ng makilala ko ang batang naroon at ang batang nasa ibang litrato pa na nasa isang kabinet na ngayon ko lang na pansin..

Ang batang ako..

Sakit,kaba at takot ang namoo sa dibdib ko at hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin.

"Margaret ayumi!"

"Margaret ayumi!"

"Margaret ayumi!"

Tinakpan ko ang tenga ko ng makarinig ng isang tinig na parang may tinatawag. Pero rinig ko parin.. napakaingay... Hindi ko namalayan na may nakalapit na pala sakin at sinusubukan akong patahanin pero hindi ko magawa. Gusto kong mawala ang mga boses na ito.

"Margaret ayumi! Magtago ka bilis!"

"Ano po bang nangyayare nanny hilda?"

"Basta! Bilisan mo! Magtago ka"

"Nanny hilda! Natatakot ako"

"Shhhh! Akong bahala"

"Nanny Hilda? Nasaan tayo?"

"Ligtas ka rito, kamahalan."

"Ligtas ka na"

At bago ako nawalan ng ulirat na isambit ko ang isang pangalan ng tauhan sa mga boses na narinig ko.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now