Chapter 13

421 25 0
                                    

(Lea's pov)

Linggo na ang dumaan at tahimik ang paligid. Tila wala itong iniindang problema. Napangiti ako ng makita ko si yumi na naglalakad sa pasilyo papuntang klase namin. Nagtaka ako ng nilagpasan lang ako nito, siguro ay may iniisip lang ito ngayon kaya hindi nya ako napansin.

Pumasok narin ako sa klase namin at tumabi kay yumi na nakayuko lang at tila parang puyat. Hmmm. Mukhang may problema tong bespren ko ah.

Kinulbit ko sya dahil hindi ko na mapigilan ang koryusidad ko. Hindi naman nito pinansin ang kulbit ko kaya kinulbit ko sya ulit. Doon nya lang ako nilingon at nagtatakang tumingin sakin.

"Ano yun, lea?" Tanong nya. Kumunot naman ang noo ko sa paraan ng pagsasalita nito. Mukhang may problema nga ito.

"Spill it" walang pagaatubili kong saad sa kanya. Nangunot naman ang noo nya sakin.

"Your problem. Spill it yumi. Ayuko ng may nagsusulo ng problema" deretso kong salita sa kanya. Nakita ko namana ng pagiba ng ekspresyon ng mukha nya bago yumuko at nangalubaba ulit. Pero naagaw ang pansin nya ng dumaan si inglessor sa harap nya at umupo roon sa bakanteng upuan sa harapan namin.

"Wala akong dapat sabihin sayo,lea." Rinig kong sagot nya sakin. Napailing nalang ako sa katigasan ng ulo nya.

Kalaunan ang nagsimula narin ang klase kaya doon ko na tinuon ang atensyon ko. Pero hindi ko maiwasang sulyapan si yumi na humihikab at nakanguso habang nakikinig sa guro namin na nagtuturo sa harapan.

Mayamaya lang ay narinig kong bumuntong hininga si yumi sa tabi ko kaya binalik ko ang paningin ko sa kanya. Saka sa gilid nya kung nasaan ko nakita ang seal. Ganun nalang ang gulat ko ng makitang umiilaw ito. Binalik ko ang paningin ko kay yumi at nagulat akong may bahid ng kulay ginto ang mata nya at nakatulala sya sa harap. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nya at parang may nakikita itong kakaiba sa harapan, pero ng binalik ko ang paningin ko sa harap ay wala namang kakaiba roon.

Nagulat nalang ako ng bigla syang sumigaw ng impit bago nawalan ng malay, buti nalang ay nasalo sya ni greyson na nasa kabilang row lang. Natigil naman ang guro sa pagtuturo at natataranta narin gaya ng ilang kaklase namin. Agad akong gumalaw ng mapagtantong hindi pa ako gumagalaw.

"Tara! Dalhin natin sya sa clinic!" May pagpapanik kong utos kay greyson na nakakunot ang noo. Kinarga naman nito si yumi at mabilis naming tinahak ang clinic. May ibang mga estudyante pang nakakita samin at nagtataka kung bakit walang malay si yumi. Pero hindi ko na iyun inisip pa. Ang kailangan ay madala namin si yumi sa clinic agad.

Mabilis kaming pumasok sa clinic at sinalubong naman kami ng mga healers. Ngumiti ako ng tipid sa kanila bago namin inilapag si yumi sa isa sa mga higaan na narito.

Pabalik balik ang lakad ko rito sa tabi ng bed ni yumi habang kinukonsulta naman sya ng mga healers.

"She just passed out, ms.lea. her energy core was drained because of using her magic simultaneously." Isa sa mga healers ang nagsalita sakin. Nagulata naman ako sa sinabi nito. Energy core? Magic? She has MAGIC?

Napangisi ako ng mapagtanto ang iaang bagay. Nagtataka naman akong tinignan ni greyson, pero hindi ko sya pinansin. Hinawakan ko naman ang buhok ni yumi.

"Who is she? Daughter of athena?" Nabigla ako sa itinanong ni greyson sakin. Hindi muna ako umimik kahit na nakatitig sakin ang mga mata ni greyson na tila hinihintay ang magiging sagot ko. Bununtong hininga muna ako bago sya sinagot.

"Saka ko na sasabihin greyson, kapag naibalik ko na sya sa dati" tanging naisagot ko sa kanya. Nakita ko namang napaisip ito ng malalim.

"Siguraduhin mo lang na kakampi natin sya lea." Maydiin nitong salita. Tumango naman ako ng marahan. Kalaunan ay nagpaalam sya sakin na aalis na dahil may kailangan pa raw syang gawin.

LOST OF A HALF SOUL ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora