Chapter 12

426 23 0
                                    

(yumi's pov)

"Yumi, sigurado ka na bang kaya mo na?" Tanong ni lea sakin dahil matapos ang isang linggong pananatili sa clinic ay lumabas na agad ako para pumasok sa eskwela.

"Okay na nga ako lea" inis ko ng salita sa kanya. Kagabi pa kasi sya tanong ng tanong. At oo dito sya natulog gabi, dahil ayaw nya raw akong mawala sa paningin nya. Wala naman akong nagawa ng pilitin nya talaga ako.

Nakatalikod ako sa kanya at sinusuot na yung uniform nang bigla syang tumili kaya nilingon ko sya at nakitang nakatulala ito sakin. Tinaasan ko namana sya ng kilay. May dinuro duro sya pero hindi ko maintindihan kaya humarap na ako sa kanya.

"Y-yung mark!" Gulat nyang salita at lumapit sakin. Inusli nya ng kaunti ang sports bra na suot ko at pati ako ay nagulat rin sa nakita.

"The enchanted sealing mark that only a powerful enchantress can make" bulalas nya ng idaan nya ang daliri nya sa mark na nasa ilalim ng braso ko. Matatabunan ito kung sports bra ang gagamitin kaya hindi ito madaling mahahalata. All my life ngayon ko lang rin ito nakita, ulo ito ng lion at pinapakita nito ang mga matutulis na pangil.

"My conclusion is right." Bulong nya pero narinig ko rin naman ito. Tumingon sya sakin at nginitian ako.

"Hide it for now. Remember yumi. That seal depends on your life." Seryoso na nitong salita. Napatango naman ako kahit wala akong maintindihan.

"Ano bang meron sa mark nto?" Tanong ko dahil sa koryosidad. Umalis naman sya sa harap ko at kinuha ang bag nya. Inayos ko muna ang uniform ko at kinuha ang bag.

"Malalaman mo rin" salita nito saka ako nginitian ng matagumpay. Nangunot naman ang noo ko sa inaakto nya.

Buong klase akong lutang dahil hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa mark at sa inakto ni lea. Kung hindi nya masabi sakin. Pwede naman sigurong ako mismo ang hahanap ng sagot.

Hindi ko pa pala napapasalamatan si inglessor at greyson sa pagdala sakin sa ospital. Kaso nga lang wala sila ngayon at parang alam ko na kung bakit.

"Lea? Nasaan nga pala sila inglessor?" Pabulong kong tanong kay lea na katabi ko lang ngayon dahil bakante naman raw ang upuan.

"Pinauwi sa kaharian nila. Mukhang hindi sila pwedeng pagala gala rito dahil sa nangyare sayo nung party" sagot nya at nagpanggap pang nagsusulat sa pisahan. Napahalukipkip naman ako rito sa upuan ko.

"Ms. Hidward, since you are very listening to me. Can you answer this question?" Nagitla ako ng tawagin ako ng terror naming guro sa algebra. Tinignan ko naman ang tinuro nyang sasagotin ko at napalunok ako dahil hindi ko alam yun. Mahina kong siniko si lea at hinihiling na sana ay tulungan nya ako. Laking pasasalamat ko naman ng nagtaas sya ng kamay.

"Ako nalang ma'am" presinta nito. Napangiti naman ako at nag thumbs up sa kanya na sinagot nya lang ng irap.

Dumaan ang mga oras at laking pasasalaamat ko at walang nangyari saking masama. Naging maayos ang iilang araw na dumaan at bumalik sa dati ang mga gawain ko.



Hating gabi na ng mapagdisisyonan ko ng lumabas ng unit para pumunta sa library. Hawak ko ang flashlight na tanging dala ko at dahan dahan na naglakad sa hallway. Tahimik at madilim na ang paligid kaya sigurado akong walang  tao o estudyante ngayon na namamasyal. Napahigpit ang hawak ko sa jacket na suot ko dahil sa pagdaan ng hangin na syang ikinataas ng balahibo ko. Para akong nasa isang horror movie at ako ang susunod na target.

Maingat kong binuksan ang pintuan ng library at bumungad sakin ang medyo madilim na paligid. Isang ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa loob at sakto lamang ito para sakin. Sinara ko muna ang pinto at pinatay ang ilaw sa flashlight bago hinanap ang maaaring kinalalagyan ng kailangan ko. Plano ko kasing maghanap ng sulusyon sa nga katanungan ko at itong library lang ang tanging alam ko na makakatulong sakin.

Halos mapunta na ako sa pinakadulong bahagi ng book shelves at hindi ko parin mahanap ang librong hinahanap ko. Napalinga ako sa paligid at may nakita akong isang pinto na makasiwang sa may huling book shelves.  Sumilip ako ng kaunti sa loob at nagulat ako ng bumungad sakin ang naglalakihan pang mga libro, tinignan ko muna ang paligid at wala namang tao kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa mga book shelves, hinanap ko ang gusto kong libro at napahinga ng malalim ng makita ko ito. Kinuha ko agad ito at pinagpagan ang maalikabok nitong cover na kulay ginto at may mga nakaukit na maliit na letra na hindi ko maintindihan. Hindi ko maiwasang hawakan ang nga letrang nakaukit dahil sa maganda nitong pagkakagawa.

Nagulat ako ng bigla itong umilaw, kinibit balikat ko lang ito bago binuksan.

'The Arc of Capitol'

Yan ang nakasulat sa cover ng libro. Binuksan ko na ito ng tuluyan at binasa ang mga nasa loob..

Tama nga ang hinala ko, narito ang tungkol sa taong gusto kong malaman kung sino at ano sya noon.

"Margaret Ayumi Azra Perse-Kelley" basa ko sa pangalan ng taong hinahanap ko. Ayukong magpadalosdalos sa mga edaya sa utak ko kaya kailangan kong makasigurado muna. Dahil kahit ako wala akong alam sa sarili ko. Honestly, wala akong maalala noong bata ako ang sabi ni lola ay naamnesia raw ako. Maraming konklusyon sa utak ko.

Fierce looking woman with a heart of million people. Since she was born, she was trained to be a queen. She might look like an angel but when she gets angry, even her father can't go against her. She's intelligent, they say it was a gift of the goddess Athena. But until now, no one knows who her mother is.

That impossible! Bakit sya napunta sa ama nya kung hindi nila alam kung sino ang ina? Tsk!tsk!tsk!

Saka ko na siguro poproblemahin ang tungkol sa maliit na bagay nayun. Ang uunahin ko muna ay ang tungkol sa babaeng ito. Margaret ayumi azra perse-kelley. Who are you really?

Tiniklop ko ang libro at nilagay sa malaking bulsa ng jacket na suot ko, nagkasya naman ito dahil hindi naman ito kalakihan.







"What are you doing here?" Bigla akong napatigil ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyun. Halong kaba at takot ang bumuo sa dibdib ko pero pilit ko itong tinago bago humarap sa taong ito.


"I was looking for a book" simpleng sagot ko kay inglessor. Seryoso lamang itong nakatingin sakin at parang kinikilatis ako.

"And what is that? At umabot ka pa talaga sa lugar na ito?" Mapanghusga nyang himig. Napairap naman ako sa inasta nya. Ang akala ko ay kilala nya na talaga ako.


"It's none of your business , inglessor" walang emosyon kong salita. Naglakad na ako papunta sa pinto ng tagong library na ito. Naramdaman ko naman syang sumunod sakin sa paglabas. Ilang minuto kaming tahimik habang nilalakbay ang daan papuntang pinto ng library na ito.

Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil malapit na akong makalabas ng library ng higitin ako ni inglessor sa pader at sinalubong ako ng malamig nyang mata. Halos hindi ako makahinga dahil sa lapit ng mukha nya sakin.

"Kapag nalaman kong isa ka sa kalaban. Ako mismo ang tutugis sayo. Enchantress" salita nito bago ako binitawan at nauna ng lumabas ng library. Doon lamang ako nakahinga ng lubusan, pero napaisip ako sa sinabi nito. Bakit nya naman ako pinaghihinalaan?


Nakakunot noo akong bumalik sa unit ko at tinagoa ng libro sa closet ko, ito lang kasi ang alam kong maaaring makakapagtago ng libro at para makasiguro. Nilagyan ko ito ng sealing spell, para hindi ito makita ng kung sino except sakin.



Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama at hinilot ko ang sintido ko. Saka ko na siguro ipagpapatuloy ang pagbabasa kapag may plano na ako sa susunod na hakbang sa pagalam ng totoo.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now