Chapter 17

378 21 1
                                    

(Yumi's pov)

Kinabukasan, pinatawag kaming mga Valkyrie para ihanda kami sa pagpunta sa capitol. Halong kaba ang nararamdaman ko dahil sa wakas ay makakapunta na ako doon ulit.

Nakangiti naman akong sinalubong ni cal na nakasuot ng puting battle suit, gaya ng sakin. Yung mga gamit naman namin ay nakalagay sa isang chariot na dadalhin ng isa sa mga generals.

"Valkyries, choose one of the horses in front of you because they will be your partner in crime at all times." Atas ng isa sa mga general. Pumunta naman kaming lima sa limang kabayo na may pakpak. Tinignan ko sila isa isa at naisipang kunin yung nasa gitna. Wala eh. Mas gusto ko sya. Hinawakan ko ang nguso nya at nagustuhan ko naman ng umungol ito. Ibig kasing sabihin nyan, gusto nya rin ako. Kinuha ko na ang tali nya at dinala sa pwesto ko kanina.

"Alam nyo ba kung pano sakyan 'yan?" Tanong ng general na nagsalita kanina.

Isa isa naman kaming tumango na ikinangiti ng
tatlong generals. Sumakay sila sa kanilang kabayo at yun na ang naging signal namin para sumakay sa kabayo namin. Hindi naman ako nahirapang sumakay kaya napangiti nalang ako. Nilingon ko si cal at nakitang maayos narin syang nakasakay. Nang magsimula ng paliparin ng tatlong generals ang kanya kanya nilang kabayo, ginaya naman namin silang tatlo at sinundan kung saan sila pupunta. Sa paglipad ng kabayo ko ay agad na nilipad ng hangin ang buhok ko. Nakita ko namang nagpapakitang gilas yung tatlong kasama namin. May isang edeya naman ang pumasok sa isip ko.

Pinalipad ko paibabaw ang kabayo at umikot ng umikot kami sa itaas nilang lahat. Napangiti naman ako ng tumigil ako at nakita silang nakanganga. Bumaba na ako at tinignan si cal ng mapanuya. Baka gusto nya rin kasing magpasikat. Pero na dismaya ako ng umiling sya bilang sagot. And he mouthed 'i can't'.

Halos abutin na kami ng kalahating oras sa paglipad ng may makita na akong isang malaking kaharian na may nakapalibot na mga bahay. Malaki ang kabuoan ng lugar at halos hindi na maabot ng paningin mo ang ibang mga bahay. Gaya noon. Nakalutang parin ito, pero mas lumaki at gumanda ito hindi gaya ng huli ko itong nakita.

Patuloy parin kaming lumilipad at sa matayog na kaharian ang tungo namin. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ang mga taong nakatingala sa amin at may iba pang kinakawayan kami. Mga taong masayang nakikipagusap sa mga kabayan nila. Ito ang isang bagay na ipinagkait sakin noon. Ang makita ang buong bayan na sinasakupan ko.

Lumapag kami sa malaking field ng kaharian at sinundan lang namin ang mga generals na naglalakad papunta sa bulwagan ng kaharian. Hindi na ako namangha ng halos kasing laki ng isang puno ng niyog ang pintuan. Bumukas ito ng kusa at bumungad samin ang magandang estraktura ng kaharian, mga naglalakihang chandeliers, naglalakihang mga paintings at malaking carpet. Nagpatuloy parin kami sa paglakad hanggang sa tumungo ang mga generals sa isang pinto kung saan ang malaking facility area.

Pumasok ang mga generals at mat kung ano anong sinabi sa loob bago kami tuluyang makapasok. Nakita ko naman ang mga nasa limang nakasuot ng kagaya namin at kaedaran lamang namin na mga tao, at ang hari na kausap ang ama ko. Tumigil sila sa paguusap ng pumasok na ako at dumako sa akin ang mga mata nila. Umiwas ako ng tingin at nilibot nalamang ang mga mata ko sa mga malalaking book shelves na nakalagay sa mga corner ng pader.

"Everyone... meet your teammates. Aria,Cassiopeia,darcy,heylie and Bruce." Pakilala naman ng isa sa mga generals. Ngumiti naman ang apat na babae at walang emosyon lang ang lalakeng nagngangalang bruce. Umiwas ako ng tingin ng tingnan ako ni bruce. Nakakaintimidate kasi yung titig nya pakiramdam ko ay may hindi sya magandang gagawin. Napailing nalang ako sa mga negatibo kong naisip.

"And Everyone, this is matt,cal,gin,van and yumi" pakilala naman simin ng generals. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi namin sila kilala. Well, hindi kasi allowed ang pagbibigay pangalan sa kanila. To make their privacy safe raw.

LOST OF A HALF SOUL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon