Chapter 7

442 28 0
                                    

(yumi's pov)

Napaayos kaming lahat sa pagupo nang magsalita si professor ciara.

"Listen up! We will have a game called tied up battle," anito at kinilatis kaming lahat "in this game, there is a queen riding two horses, tied up both hands. The mechanics of this game ay kailangang makakolekta ang reyna ng mga crowns galing sa ibang queen, at kailangan hindi makuha ang team crown nila, dahil kung hindi. GAME OVER! At dahil nakatali ang reyna kinakailangan ng mga horses na mabalanse ang reyna upang hindi ma hulog at kung hindi, GAME OVER! And the arena will be the battle field" Anito pa na may ngiti sa labi, napatango naman kaming lahat sa gustong laruin ni professor.

"And your team will be your seatmates, since tatlong-po kayong lahat." Anito pa na ikinaangal naming lahat.. sino bang hindi? Makakasama ko ang dalawang taong hindi naman magkasundo tapos sasakay pa ako sa kanila? Shit! "You have 30 seconds to comfort your selves and form your unbreakable and strong horses queens and oh! May nilagay akong detector sa buong arena para kapag may nagame over ay automatically teleported at the bleachers" aniya at bigla naman kaming lahat napunta sa kahit saang parte nang arena.

Napagitnaan naman ako nang dalawang lalakeng magkalagyo. Ayssttt.. pano ba to? May suot na akong korona na kulay puti. Ngayon kailangan ko nalang ay kabayo. Hayystt.. pano ko ba pagagalawin ang dalawang ito?

"Guys? Di ba kayo gagalaw? Malapit na tayong magsimula oh!" Agaw pansin ko sa dalawa. Pero parang hangin lamang ang dumaan sakin at di sila umimik. Pano ba toh? Yung ibang grupo handa na kami hindi pa. Napabuntong hininga ako at lumapit kay Zechariah Greyson at hinila ang kamay nito palapit kay Kasuhiko Inglessor, kinuha ko rin ang kamay nya at pinaharap silang dalawa.

"It's now or never for the both of you, kapag di kayo nakisama sakin, pareho tayong mapapagalitan at mawawalan ng scholarship." Aniya ko sa kanilang dalawa, walang emosyon namana kong tinignan ni Zechariah Greyson at napataas kilay naman sakin si Kasuhiko Inglessor. Naparoll eyes lang ako at pinagdugtong ang mga braso nila saka tinignan nang masama ang dalawa na ayaw talagang hawakan ang isa't isa. Saka ko sila malakas na pinapababa para maabot ko ang mga braso nilang handa na akong paupuin. Napangiti naman ako nang pareho silang hindi nakapagreact saka ako umupo at sabay naman silang tumayo, kumapit pa ako sa kanila dahil hindi nila mabalanse nang maayos at baka mahulog ako. Saka naman nag bell hudyat nag pagsisismula ng laro, pagkapasok ng kanyang grupo sa loob ng linya ng arena ay nakatali na ang mga reyna patalikod. Pero kami parang tuod lamang nakatayo parin dito at ayaw gumalaw ng dalawa.

"Kung walang importansya ang scholarship sa inyo, since both nobles kayong dalawa PWES AKO MERON!" diniinan ko pa ang sinabi ko saka kinurot ang dalawa na ikinaigting nila at gumalaw naman sila papasok sa linya at sa isang iglap nakatali na ang dalawang kamay ko sa likod.

"I'll let you control me now, woman, Just make sure we will win" aniya bigla ni Kasuhiko Inglessor. Napatango naman ako sa excitement. Nagsisuguran naman ang mga kaklase namin sa Isa't isa, hindi parin kami gumagalaw sa kinatatayuan namin dahil plano naming paubosin muna silang lahat at pinipigilan naman namin ang kung sinong aatake samin saka nung lima na grupo nalang ang naiwan ay umatake na kami sa kanila at nakipagagawan ng corona gamit ang mga abilities namin, syempre gamit ko ay spells since di naman ako kagaya nila.

Nakakuha na ako ng tatlo na corona at ngayon kalaban ko na si Penelope na isa sa naiwan. Kinakalaban nya ako gamit ang vines nya na pilit kinukuha ang mga korona sakin dumidepensa lamang ako gamit ang shield saka ko inutusan si Zechariah Greyson na ipalaho kaming tatlo at nagawa naman nya, kanina ko lang nalaman na kaya palang makapaglaho si Zechariah Greyson at si Kasuhiko Inglessor naman ang inutusan kong gumawa ng portal papunta sa likod ng grupo ni Penelope at walang kahirap kong naagaw ang korona nya gamit ang energy beam na spell.

Tumunog naman ang game over kina Penelope at inis kaming tinignan ng magpakita na kami sa kanila. Napangiti nalang ako pero nagulat ako at malapit nang mahulog ng may humampas sa likod ko kaya mabilis kaming napaarko at di ako tuluyang mahulog. Napalingon kami doon at nakita si lea na nakangisi samin. Oh-uh!

"Daughter of athena, why ain't i expected you to be our last enemy. Tsk!" Naiinis na aniya ni Kasuhiko Inglessor.

"cause your stupid, son of hades. It's nice to be your last enemy, yumi. Its a great opportunity to battle with an enchantress." Nakangising aniya ni lea. Ngayon ko lang sya nakitang ganito, mukhang tinutoo nya talaga ang larong ito.

"So am i, bestie" nakangisi ko ring sagot at hinanda ang sarili, alam ni lea lahat ng spells na tinuro nya sakin at hindi sya bobo upang hindi gamitin yun upang talunin ako, maaari nyang madeflect ang atake ko kung sa kaling gumamit ako ng spells. Ginamit ko ang mind link na spell para makausap ang dalawa at inutusan si Greyson na palahuin kami at ganun din si inglessor na lumayo muna kay lea, saka ko sila kinausap.

"Sinong may kayang gumawa ng vines sa inyo? O kung anong armas na maaari kong gamitin sa kanya?" Tanong ko rito. Habang nakatingin kay lea na nagpalinga linga kung nasaan kami.

"Kaya kong gumawa ng vines gamit ang lava. Pero ang tanong kaya mo kayang hawakan ito?" May pangaasar naman na salita ni inglessor. Napatango nalang ako at di pinansin ang pangaasar nito.

"Kaya kong gumawa ng illusion at lituhin sya sa pagkontrol ng isip nya" aniya naman ni Zechariah Greyson. Napatango tango lang ako saka ngumisi.

"What are you thinking, woman? It looks like your ready to kill using our abilities" asar na aniya ni inglessor. Tumawa naman ako ng mahina.

"You'll see," sagot ko at nagsignal sa kanila na magpakita na at umatake. Naging alerto naman si lea nang makita kaming paatake. Nagcast ako ng spell ng energy beam derekta kay lea pero nakadepensa naman sya gamit ang sheild nyang lumulutang lang dahil wala naman kaming mga kamay na makakatulong. Sila naman ngayon ang umatake gamit ang daggers na pinapalutang nya, sabay ilag naman kaming tatlo at inutusan ko si Zechariah Greyson na gumawa ng portal papunta sa likod ni lea, nagawa naman nya at agad kaming nakarating saka ko inutusan si Kasuhiko Inglessor na gumawa ng vines at hinaluan ko yun ng energy beam para makontrol ko ito saka ko ito pinalutang pahampas sa likod ni lea sabay kuha ng mga koronang nasa ulo nya. Nahulog naman sila sa gulat at mesyo nagkalapnos si lea sa balikat, nag peace sign naman ako sa kanya na tinanguan lang nya. Halos sigaw ng mga kaklase ko naman ang narinig ko matapos tanghalin na kami ang nanalo. Napatalon talon pa ako't napayakap kila Greyson at inglessor sa tuwa, pero ng marealize kong ano ang ginawa ko ay napatawa ako sa hiya at niyakap na lamang si lea. Nagsibihisan na kaming lahat at masayang kumain sa cafeteria. First time kong manalo ng ganoong battle kaya hindi talaga ako makapaniwala.

LOST OF A HALF SOUL ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon