Chapter 6

480 26 0
                                    

(yumi's pov)

Nagising nalamang ako nung umaga na parang may gumagalaw kaya napatingin agad ako sa inaalagaan ko kagabi at nakitang gising na ito at kumakain ng apple. Napataas kilay nalamang ako sa kanya na parang di ako napapansin kaya napaubo ako ng peke. Nilingon nya ako saglit at balik sa kain na sya. Aba!

"Okay ka na ba?" Tanong ko dito at kinalma muna ang sarili ko.

"Medyo, makakaalis ka na" walang gana nitong sagot na ikinataas ng kilay ko ulit. Aba!

"Wala man lang thank you?" Maang kong aniya. Masama talaga ugali ng mokong nato! Kahit kailan.

Di naman ako nito sinagot kaya, pabalang akong tumayo at tinignan sya ng masama.

"Magbago ka na!" Inis kong salita sa kanya at padabog na umalis sa clinic at dumeretso sa dorm upang magbihis, nadatnan ko pa nga si lea doon na nagaalala na pala sakin at panay tanong kung saan ako galing at bakit hindi ako umuwi, kinuwento ko naman sa kanya lahat at naiintindihan naman nya kaya matapos kong maligo at magbihis dahil hanggang ngayon may dugo parin palang naiwan sakin at amoy na amoy ang lansa nito ay sabay narin kaming pumasok sa klase ni lea. Nakita ko pa ngang pumasok si inglessor na as usual, nakakainis parin ang mukha at ang katabi ko naman na walang imik. Buti nalang natapos ko na yung assignment na hindi ko nagawa kagabi bago ko maipasa kay professor mantis, kundi malalagot talaga ako. Natapos ang araw ko na ganun lang.

Naglalakad ako ngayon pauwi sa dorm nang makasalubong ko si Penelope Fernandez ang anak ni Persephone, mukha syang nawawala at may hinihintay, agad ko naman syang dinaluhan.

"Okay ka lang?" Ani ko rito, nilingon naman ako nito at nginitian. Humawak pa ito sa kamay ko saka nagaalalang lumingon lingon.

"I-i can't f-ind my f-fiance, tulungan mo naman ako oh!" sagot nito na mukhang nanginginig pa. Nakaramdam naman ako nang awa, napatango ako at dinala nya ako sa saang lumalop sa paghahanap ng fiance nya. Napatigil na lamang kami sa kakahanap sa harap nang canteen, malayo layo narin ito sa main building na pinanggalingan namin kaya medyo walang estudyante dito. Pumasok kami sa canteen at bumili sya nang maiinom namin saka umalis narin kami, habang naglalakad pabalik ay naguusap naman kami at pinakita nya pa sakin ang singsing na binigay sa kanya nang fiance nya.

Nakabalik na kami sa main building at nakasalubong namin si inglessor na nakapamulsa lang at kasama yung barkada nya. Nagulat ako nang tumakbo bigla si Penelope kay inglessor.

"Hubby, kanina ka pa namin hinahanap, saan ka ba galing?" Tanong nito kay inglessor, does that mean, sya ang fiance ni Penelope? Para naman akong binuhusan nang maraming malamig na tubig nang maalala na anak nga pala ni Persephone si Penelope at anak ni hades si inglessor.

"Bakit nyo pa ako hahanapin? Alam naman ng babaeng kasama mo kung nasaan ako? Magkasama pa nga kami buong gabi" walang gatol na salita ni inglessor. Napaawang naman ang bibig ko ng maproseso ang sinabi nya.

"Excuse me! Hindi ko alam na ikaw pala fiance nya, at magkasama tayo sa CLINIC! Ikaw na nga tong ginamot ayaw pang magpasalamat." Angal ko rito.

"Hubby!! Nawawala yung ring na binigay mo!!" Sumbong bigla ni Penelope at umiyak sa dibdib ni inglessor. Napataas naman ang kilay ko sa narinig, parang kanina lang nang ipakita nya sakin ngayon nawawala na? Aalis na sana ako dahil mukhang problema na nila iyun nang isang kamay ang humawak sa wrist ko at tinaas ang kamay ko, at doon nakita ang singsing ni Penelope at suot ko pa ito.

"Sinasabi ko na nga ba! Magnanakaw ka!" Mapangasar na salita nang kaibigan ni inglessor at kinuha ang singsing ni Penelope sa ring finger ko. Napamaang naman agad ako sa bilis nang pagyayare.

"Hindi ako magnanakaw! Hindi ko alam kung kailan yan napunta sa kamay ko!" Depensa ko at tinignan si Penelope. Gulat lang ang ekspresyon nito at parang may nakita akong munting ngiting tagumpay sa labi nya kaya napagtanto ko na kung anong nangyayare, at may lesson learned na ako para ngayon. LOOKS CAN BE DECEIVING.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now