Chapter 16

339 21 0
                                    

(Yumi's pov)

Nagising ako sa tunog ng uwak. Mabilis akong tumayo at sumandal sa puno. Abot ang kaba ko ng bumalik sakin ang nangyare bago ako nawalan ng malay, akala ko ay katapusan ko na. Huminga muna ako ng malalim ng biglang sumakit ang tagiliran ko.

"Ahhh!" Daing ko ng maslalo pa itong sumakit. Ano ba kasing nangyayare sakin? Kasama pa ba ito sa mga pagsubok ko? Pagod na pagod na ako, gusto ko ng sumuko pero ayaw ng isipan ko.

Dapadaing ako ng sumakit narin anf ulo ko. Nanlalabo narin ang mga mata ko. Pilit kong tinignan ang masakit na parte ng tagiliran ko at hindi na ako nagulat ng makitang ang tattoo ang syang sumasakit. Umiilaw ito at parang naglalaho. Mabigat ang hininga ko dahil sa pagpilit na indahin ang sakit, nanlalabo parin ang paningin ko. Nangtingnan ko ulit ang tattoo ay nawala na ito.

Sa pagkawala nito ay sankatirbang imahe ang biglang pumasok sa isipan ko. Napatalukbong ako at halos sabunutan ko na ang sarili ko sa mga imahe na nakikita ko.

Bago ko pa mamalayan ay nawalan na ako ng malay.

"Everything's gonna be fine now. Margarette" nakangiting salita ni lola. O tawag ko pa sa kanya noon ay nana. Nasa isang kwarto naman kami ngayon na hindi ko alam kung saan.

"Now that the sealed is gone. Im gonna miss you, I can no longer protect you. Please, protect your self from them. Go home margarette. In him you'll be safe. My job is done. I hope you forgive me.. please understand" maluhang salita ni lola/nana sakin.

Suminghap ako sa hangin ng magising ako. Pakiramdam ko ay nabuhay akong muli. Yung....totoong ako.

Margarette Ayumi Azra Kelley?

I never thought that the name i was curious of, is me.

Tumulo ang mga luhang hindi ko na napigilan dahil sa mga alaalang bumalik sakin.

The seal...

Ang seal na nilagay ni lola....

Is my lost half soul.

Kaya pala noon pa man ay pakiramdam ko may kulang sa akin. Na halos hindi ko kilala ang sarili ko.
Pano nagawa sakin ito ni nana?

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at tinuwid ko ang pagkakatayo. Lumaki akong malakas, matalino at matapang. Kahit noon pa man na nasaibang mundo ako at nawalan ng memorya, kahit hindi ako tinuturuan ni lola na maging matapang ay nagiging matapang parin ako. Dahil siguro, ganun na talaga ako. I was born with this..

"Ahhhhh!" Sigaw ko dahil sa pagkabigo. Isang enerhiya ang pinakawalan ko kasabay ng sigaw ko.

Nawasak naman ang mga puno at nagsitumbahan ito. Nagkaroon rin ng malaking tipak ang kinalalagyan ko dahil sa puwersa na pinakawalan ko.

Nakayuko ako at hindi pinansin ang dumidilim na paligid. Dahan dahan akong tumayo ulit at napagisipang wala muna akong pagsasabihan sa mga nalaman ko. Mabuti na rin siguro na pumasok ako sa pagiging valkery para malaman ko ang nga galawan ng pinamumunuan ko noon. At kung ano at para saan talaga ang valkyrie na binubuo nya.

Hindi ako gumalaw ng palibutan ako ng napakaraming mga nakaitim. Napangisi ako dahil sa excitement na bumuo sa dibdib ko. Humigpit ang hawak ko sa katana na hawak ko at mabilis na iwinasiwas sa lumalapit sakin. Nagpapakawala rin ako ng pwersa para tumilapon ang iba.

Blood...

Everything i can see now is blood...

Nang mabitawan ko ang katana ay hindi parin ako nagpatinag. Suntok, sipa at ilag ang ginawa ko hanggang sa isa nalang ang natira. Dinaganan ko ito at binali ang leeg nito.

LOST OF A HALF SOUL ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz