Chapter 2

1K 39 0
                                    

(Yumi's pov)

Ilang oras na nang tumigil na ang pagyanig ng eroplano.

Lumabas ako sa cubicle na pinasukan ko dito sa cr ng eroplano. Naluluha parin ako na nangyayare sakin ngayon pero wala na akong magagawa. Ilang oras nalang ay lalapag na ang eroplano sa paliparan nang kung anong mundo o lugar ang pinasukan ko.

Nanlulumo akong bumalik sa kinauupuan ko kanina. Pabagsak akong umupo at napayuko nalang. Gusto ko mang magfreak out pero pinili ko nalang maging kalmado dahil iniisip kong wala rin namang mangyayare kong sakaling magfreak out ako. Pero hindi ko maiwasang isipin kong ano bang klaseng tao sila? Totoo ba talaga to? Kanina lang ay ikailang ulit kong sinampal ang mukha ko para magising na sa masamang bangungot na ito pero totoo talaga.

"Ano ba kayo? Anong klaseng nilalang kayo?" Naguguluhan kong tanong pero nanatili akong nakayuko. Naramdaman ko naman syang lumingon sakin at tinitigan ako bago napabuntong hininga.

"Tinatawag kaming kimyuna. Ang kimyuna ay isang uri ng tao na may kakaibang kakayahan. May iba't ibang klase ang kimyuna, enchantress, nymph, Oracle, witches, wizards, vampires, wolves, meron pang iba pero di ko na matandaan and lastly demigods. Iba kami sa mortal dahil hindi namin kayang mamuhay ng matagal sa mundo nyo." Paliwanag nya. So kimyuna pala sila.. familiar sakin ang salitang yan pero hindi ko lubusang maalala kong nasaan ko narinig yan. Pero..

"Ano nang mangyayare sakin ngayon? Pano kong sabihin ko nalang sa piloto na nagkamali ako ng eroplanong sinakyan?" Tanong ko. Maslalo akong nanlumo ng marahan itong umiling bago sumagot.

"Hindi mo pwedeng gawin yan, dahil baka ihulog ka lang nila sa labas ng eroplanong ito kahit na nasa himpapawid pa tayo" anito. Napayuko nalang ako sa pagkadismaya. Wala na. Wala na akong takas.

"Ano nang gagawin ko?" Halos naiiyak ko ng tanong sa kanya, narinig ko naman syang nagbuntong hininga.

"I guess, to be an official student and one of us is the only way." Anito "wag kang magalala habang nandito ka ay hahanap ako ng paraan upang mailabas ka dito at kung sakasakaling di ko magawa ay hahanap ako ng taong makakatulong satin" napangiti naman ako sa kanya. Kahit mabigat sa luubin ko ang nangyayare ay wala din naman akong magagawa.

"Dala mo ba ang papeles mo?" Tanong pa nito. Marahan naman akong tumango at nilabas sa shoulder bag ko ang nakatupi na mga papel at binigay sa kanya.

Tinanggap naman nya ito at parang may binubulong na mga salita na di ko maintindihan. Ilang minuto lang ay binalik nya sakin ang papeles ko.
Binuklat ko ito at nagtatakang binasa ang mga nakapaloob.

Name: Anastasia Ayumi Hidward
Age: 17
Birthdate: November 30,*****
Kimyuna: Enchantress
Auxiliary: Mrs. Monica Hidward

Yan ang nakalagay sa first page ko at may picture akong may accessory na nakapulupot sa noo ko na silver (a/n: nasa itaas po ang example ng accessory). Nakakamangha nga eh. Pero ang ayuko lang ay nakasuot ako ng bra at may malaking kwintas na halos natakpan narin ang bra ko. All in all nakakatakot ang itsura ko, lalo na yung walang imosyon kong mga mata na nakatitig ng nakakatakot. Ano ba toh? Ginawa naman nya akong mangkukulam. Hayyysttt. Pero mabuti na siguro ito kesa ma buko ako.

"Enchantress? Hindi naman ako marunong magmagic eh" alangan kong sabi sa kanya at binalik na lamang ang papeles ko sa dala kong bag.

"It's okay, tuturuan kitang mag cast ng spells. Pwede yun kahit na hindi ka kagaya namin." Anito. At ngumit sakin ng may assurance. Napabuntong hininga nalang ako at tumango ng marahan.

"Ngayon na officially kanang mamayan at estudyante ng kimyuna. Ako ng bahala sayo at tayo lamang ang makakaalam na hindi ka namin kauri." Anito. At tinitigan ako ng mariin. " At wala ka nang alalahanin pa kundi ang pagaaral mo at mag cope up sa mga lessons na meron kami" nakangiti na nitong salita. Ngumiti naman ako pabalik.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now