Chapter 15

411 20 0
                                    

(Yumi's pov)

"Each of you will be sent from different places. All you have to do is to stay alive and live within 3 days. Survive and win the battle. That's the only thing you need to do." Tagubilin ng isa sa mga general samin.

Gaya ng sabi ni lea, inanunsyo nga nya kahapon kung sino sino ang mga kasali. Gaya rin ng inaasahan ko. Kasama ko sa napili, kasama na si cal.

"Are you all ready?" Tanong ng isa pa sa generals. At ngayon nga, lahat ng mga napili ay isasalang na agad nila sa mga pagsubok na alam kong babaguhin kami. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung makakaligtas ba ako o ito na ang magiging katapusan ko.

Ngumiti ako ng pilit ng makita si lea na nagthumbs up sakin, habang katabi naman nya si inglessor at greyson. Simpleng ngiti naman ang binigay nila sakin.

Nilingon ko naman ang katabi ko at nakita syang may kinakabahan na mukha.

"Everythings gonna be fine, right?" Napaigting ako ng magsalita sya bigla at tumingin sakin. Iniwas  naman ang paningin ko sa kanya dahil kahit ako ay hindi rin alam. Nakalinya kami ngayon at isa isa ng pumasok sa isang portal ang mga estudyante. Sa nakikita ko ay magiiba ang lokasyon kung may pumasok na roon na isa, sinigurado talaga nila.

"It should be. Could you promise that i will see you again after this?" Sagot ko sa kanya at tanong narin. Ngumiti naman sya sakin. Nakikita ko ng malapit na ang turn nya kaya kinakabahan ako, kaunting panahon ko pa sya nakasama kaya sana ay pumayag sya.

"I will, and you should do too" sagot nya. Ngumiti ako sa kanya bago sya pumasok sa portal.

"I can't promise" bulong ko sa hangin bago ako pumasok sa portal. Bumungad naman sakin ang kagubatan. Bumuntong hininga ako at inisip na hindi ito ang tamang oras para maging mahina. Lumaki akong amazona sa mundo namin, sana naman ay magamit ko iyun sa panahon na ito.

Pansin kong medyo dumidilim na kaya agad akong naghanap ng matutulogan ko. Lakad lang ako ng lakad sa buong kagubatan ng makarinig ako ng kaluskos..

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Alam ko. Alam kong may tao sa paligid. Ramdam ko sya.

Biglang na alerto ang katawan ko ng maramdaman ko syang papalapit sakin kaya hinanda ko ang katana na dala ko.

Mabilis kong ginawang pangsangga ang katana ko ng malapit ng lumapat sa katawan ko ang sword nito. Dinilat ko ang mga mata ko at tinitigan ito ng masama. Hindi nga ako nagkakamali isa tao ang kalaban ko pero hindi ko magawang kilalanin ito dahil sa takip nito sa buong mukha at sa katawan narin nito na nababalot ng itim na tela.

Walang pasabi itong matake sakin at agad ko namang sinasangga ang mga ataki nya sakin, gaya ng mga turo narin sakin ni lea ay nilalagyan ko ng pwersa ang bawat pagpihit ko sa katanang hawak ko.

Napadaing ako ng bigla nya akong sipain kaya tumilapon ako sa pagpuno. Inis akong tumayo at hindi ininda ang kirot sa likuran ko.

Tumakbo ang ng mabilis at buong pwersa na tumalon saka ko iwinasiwas ang katana na hawak ko sa ulo nito at sa paglanding ko ay syang pagkahulog ng ulo nito. Hindi ko na ginawang lumingon at umalis an sa lugar na iyun.

Sumandal muna ako sa puno at kinalma ang sistema kong humahabol sa hangin. Binalik ko muna sa likuran ko ang katana at naglakad ulit para maghanap ng matutulugan.

Napabuntong hininga ako ng biglang may sumulpot na limang nakaitim rin at balot na balot gaya ng kanina ang mga katawan nila.

Sabay sabay naman silang umatake sakin at wala akong nagawa kundi dumipensa, inuna ko ang malapit sakin. Suntok, sipa at sikmura ang ginawa ko sa kanila. Unti unti naman silang nauubos. Ngayon ay dalawa nalang silang pinipilit akong tapusin. Hindi sila pangkaraniwan dahil an mga lakas nila ay hindi gaya ng mga nakakalaban ko noon. Of course, immortal kaya sila kaya hindi normal ang lakas nila. Tsk tsk tsk! Stupid me.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now