Chapter 29

297 18 0
                                    

Margarette Ayumi Azra Perse-Kelley

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at nagpalabas ng malaking amount ng force field, si argus naman ay pinaghahampas lang ang mga kumakalaban sa kanyang mga halimaw habang makikita ko sila ercel na may kalaban na elites.

"Keep safe, my love. I'll end this." i said to ercel na nakikipaglaban parin. Napatingin naman sya sa gawi ko, tuluyan na ngang nakalapit sakin si diana at agad akong inatake gamit ang hawak na nya ngayong sandata na halatang napakatulis. Gumawa naman ako ng matibay na scythe gamit ang tubig, nagawa kong sanggain ang nagaabang na katana ni diana pero napaatras parin ako dahil sa lakas ng impact nang kanyang atake. Ni hindi ko napaghandaan na malakas pala syang tao, at para mapantayan ang lakas nya, nilagyan ko ng force ang mga kamay ko. Napangisi naman ako ng mabakasan ko ng pangamba ang mukha nya.

Ako naman ang umatak sa kanya at winasiwas sa kanya ang katana habang bawat galaw ko ay maylakas, napapantayan naman nya ito ng bilis sa paggalaw.

Hindi ko inasahan na masisipa nya pa ako sa liksi ng galaw ko at napalayo ako ng kaunti dahil sa pagkirot tagiliran ko kung saan nya ako nasipa. Huminga ako ng malalim at patakbong umatake sa kanya, inabangan naman nya ako at dumidipensa lamang sya sa kada atake ko pero dahil sa inis ko ay nagawa kong paulanan sya ng water crystal. Natamaan naman sya sa tagiliran na ikinainis nya at pinasugod sakin ng mga nilalang na mas lalong dumadami ngayon.

Nilagyan ko ng force ang paa ko at tumalon ng makita kong sabay na umatake ang malalaking nilalang, saktong pagbaba ko ay nagawa kong magpalabas ng force field na sinamahan ko ng water crystal na syang nakapatay sa mga umatake sakin.

"Nice" nakarinig naman ako ng komento ni ercel gamit ang telepathy.

Napasmirk naman ako pero hindi ko na nagawa pang sumagot dahil may tumama sakin na itim na mahika, napatilapon ako at napaubo ng dugo kahit tumama lang ito sa tagiliran ko. Iniharang ko naman ang scythe ng may umamba sakin na malaking aso, sinipa ko naman ito ng paglakaslakas at tumayo kahit nananakit na ang tagiliran ko. Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin si diana pero nakita ko syang tumatakbo papunta kay ercel, lumandas ang kaba sa dibdib ko at agad na tumakbo sa dereksyon nila.

Pero natagalan ako dahil laging may umaatake sakin na mga nilalang na ayaw maubosubos, nagkalat narin ang mga dugo at patay sa buong lugar ng boran, ito na ata ang walang katapusang labanan. Pero hindi dapat ako mawalan ng pagasa lalo pa't ako ang reyna na inaasahan ng lahat.

Nilingon ko sa kaliwa si ercel na ngayon ay kalaban na si diana. At lumingon rin ako sa kanan kung saan sa di kalayuan ay ang portal na ginawa ni dian kung saan patuloy na lumalabas ang mga nilalang. Kailangan kong sirain ang portal na yun kung hindi ay hindi kami matatapos sa digmaan na ito pero gusto ko rin tulungan si ercel na halatang nahihirapan kay diana. Arrgg!! Nakakafrustrate.

"I must break the portal, honey. Pero gusto kitang tulungan" malungkot kong saad kay ercel sa telepathy. Patuloy naman akong dumidipensa sa mga nilalang at mga lalakeng nakaitim dahil mukhang ako ang pinupuntirya nila.

"Im fine, azra. Just do your job." simpleng sagot nya kaya napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakangiti sakin habang nakikipagsabayan sa galaw ni diana. Bumuntong hining ako at ginawa kong sword ang scythe at ginamit na pansaksak sa halimaw na umatake sakin.

Tumakbo na ako sa dereksyon ng portal at ngayon hindi na ako nagpapigil sa mga halimaw dahil bawat atake nila ay nag papalabas ako ng force at tumatapon naman sila dahil don. Yung iba ay pinapaulanan ko ng water crystal na syang ikinamatay ng mga halimaw.

LOST OF A HALF SOUL ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن