Chapter 19

350 22 1
                                    

(Yumi's PoV)

2 months later.......

Sa loob ng dalawang araw ay puro training at aral ang ginagawa namin, simula ng may mangyare samin ng hari ay hindi na kami nagkausap dahil palagi syang abala at ako naman ay sa training. Minsan ay nagkakasalubong kami kung lalabas ako ng kaharian para magsanay kasama ang mga kasamahan ko sa malaking field.

"Tasya, pwede ba tayong magusap sandali?" Aya ni cal habang papunta sakin. Tinaasan ko naman sya ng kilay dahil parang nagmamadali sya.

"Sge" sagot ko, nginitian naman nya ako at sabay naming tinungo ang veranda. Napasinghap naman ako sa hangin ng sumalubong ito sakin pagkatapak ko sa veranda.

"Im going back"

Nagtataka ko syang nilingon ng sa sinabi nya sakin habang nababakasan mo ang lungkot sa boses nya.

"The headmistress wants me to go back to fix problems, and the king has already approved it. So i must Head back to the school" patuloy nya habang hindi na nakatingin sakin. Bumuntong hininga naman sya bago ako tinitigan sa mata.

"Im gonna leave you here alone" malungkot nitong alintana. Mapait naman akong ngumiti sa kanya, bago yumuko dahil ayukong makita nyang naiiyak ako, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero may pakiramdam akong ito na ang huli naming paguusap. Pero sana naman mali ako. Ayukong mawala sya dahil sya at ang lola ko nalang ang pamilya ko.

"Basta ipangako mo sakin na babalik ka ha" salita ko habang pinipigilan ang luha kong nagbabadya ng tumulo.

"Oo naman" sabi pa nya at niyakap ako. Niyakap ko sya pabalik at mahigpit.

"Magiingat ka, nandito lang ako sa pagbabalik mo" salita ko. Naramdaman ko naman na tunango tango sya habang yakap parin ako.

"Okay, sana mapatawad mo rin ako tasya" sagot nya. Nangunot naman ang noo ko.

"Para saan?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman sya sakin.

"Basta" anya habang humiwalay na sa pagkakaakap sakin.

"Guys, may pinapatawag tayo ng konseho" bigla namang dumating si aria na galing sa labas. Tumingin naman ako kay cal na nginitian lang ako.

"Pumunta ka na roon, magiimpake lang ako. At aalis na rin" may halong lungkot na salita nya, niyakap ko sya ulit bago sya iniwan sa veranda. Sumunod naman ako kina aria sa paglalakad rito sa hallway.

"He's leaving?" Bigla namang nagsalita si Cassiopeia na kasabay ko sa paglalakad. Bigla namang bumalik sa isipan ko si cal na iiwan ako rito sa kaharian.

"Yeah" simpleng sagot ko at kinibit balikat lang yung pakiramdam ko dahil imposibling hindi bumalik si cal rito.

"He'll be back before we know it" may pagasa nyang komento. Napangiti naman ako. At may birong naisip.

"Of course, will you gonna miss him?" Nakangisi kong tanong. Nag roll eyes naman sya sakin.

"I won't! He's too annoying. And he's not worth of my time" tanggi nya habang kapansin pansin na ang pamumula nito. Mahina naman akong natawa, at sa wakas ay nakalabas narin kami sa madilim na hallway na yun. Sinundan lamang namin si aria na paakyat na sa hagdan at lumiko ng daan papunta sa kwarto kung saan nagaganap ang kadalasang pagpupulong.

Kusang bumukas ang pinto ng kaharap na namin ito at isa isa kaming pumasok. Napansin ko naman na halos lahat ng mga counselor that includes: The admiral, Nobilities, and Gentries ay nandito sa loob, habang ang hari at ang ama ng reyna ay nasa harapan. Napadako naman ang paningin ko sa kanya na mataman lang akong tinignan bago sya tumingin kay aria, napatingin naman ako kay aria at ganun din ito, nakatingin sa hari. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko at ipinagsa walang bahala ito, dahil sino ba naman ako sa buhay nya? Isang hamak na tagamortal na naging enchantress at ang totoo palay isang reyna sa mundo ng mahika.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now