Chapter 8

445 24 0
                                    

(yumi's pov)

Nagsimula na naman ang araw ko sa iskwelahan na ito at unti-unti ko na rin natatanggap ang bago kong kapalaran dito sa S.O.D.A, bali balita na naman dito sa academy na meron dawng nawawalang estudyante kada araw, yun nga lang ayaw ipaalam ng mga professor kung totoo ba ito. Simula din noon, ay naging busy na si lea. Sabi pa nito, may pinapagawa raw sa kanya ang mga professor. Kinibitbalikat ko nalang ito dahil hindi ko naman hawak ang buhay nya at isa lamang akong hamak na mortal na napapad sa ibang mundo.

"What were you thinking?" Nabalik ako sa kasalukuyan nang mag salita si Zechariah Greyson sa tabi ko. Wala ngayon si Kasuhiko Inglessor sa di malamang dahilan, at si Zechariah Greyson ang kasama ko at naging kaibigan sa buong linggo na palaging wala si lea, ayuko rin naman kasing magisa, lalo pa't wala akong kaalamlam sa mundo nila.

"Nothing, nakakaumay na kasi ang mukha mo hahaha" biro ko rito na kinunutan nya lang nang noo. Napangiti nalang ako saka binalik ang paningin sa harap kung saan nagtuturo si professor lopez. Sinusulat ko naman lahat nang sinasabi ni professor.

"Are you worried? Na baka yung kaibigan mong anak ni athena ang sumunod na mawala?" Ani pa nito sa tabi ko, nilingon ko naman sya at nakasandal lamang ito at nakatuon ang paningin sa harapan. Binalik ko nalang ang paningin ko sa sinusulat ko saka sa white board at napaisip saglit.

"Medyo, pero 'lam kong di mangyayare yun sa kanya. Masyado syang malakas at mautak para mapahamak" aniya ko.

Natapos ang klase namin at lunch time na naman, kasama ko parin si Zechariah Greyson sa buong araw at sa totoo lang nauumay narin ako sa kanya lalo pa't hindi pa sya palasalita, di gaya ni lea na makukuha mo na sa kanya lahat nang impormasyon kung sya ang pasasalitain.

Ngayon naman ay kakatapos lamang ng klase namin at magisa akong naglakad. Tinungo ko ang garden dahil maaga pa naman, pero may nadaanan akong  isang babae na tingin ko ay estudyante rin dito at di sya mapakali. Nilapitan ko ito at tinanong.

"Okay ka lang ba?" Nilingon naman ako nito at nagaalalang sumagot.

"Yung kaibigan ko kasi, hindi ko makita, kanina pang umaga" anito pa at pabalik balik ang lakad sa harap ko.

"San mo ba sya huling nakita? Baka may pinuntahan sya saglit?" Tanong ko rito. Natigilan naman ito pero umiling lamang sya.

"Ang huli nyang sinabi sakin ay wala syang gagawin ngayong araw kaya ko sya inaya na lumabas rito. Tapos nagpunta ako ng cr saglit at sinabing hintayin nya ako rito ngunit wala na sya ng bumalik ako." Pagaalala nito. Natango naman ako. At naisipan na.

"Tara hanapin natin sya" ani ko. Napatingin naman ito sakin saka bigla akong niyakap nito.

"Salamat talaga!" Anito na masaya pero ng may maalala ay lumayo ito kunti at yumuko.

"Patawad kung niyakap kita sa tuwa enchantress. Ako nga pala si Alyara Polymer daughter of iris, kaklase mo rin ako. And my friend was Genivia Stodler daughter of  Hephaestus." Paumanhin pa nito. Natawa naman ako. Saka ngumiti

"Okay lang at tyaka wag ka nang maging pormal sakin simula ngayon ay magkaibigan na tayo" ani ko at niyaya syang maglakad na para hanapin si genivia.

"Pero, nasa lahi namin ang maging magalang sa inyo na mga enchantress." Anito pa at sumabay na sakin sa paglalakad. Napatango naman ako, totoong nasa lahi na nila iyun na maging magalang samin dahil, sila iris,demeter,at Hephaestus ay minsan nang tumira sa lugar ng mga enchantress at naging maganda ang pakikitungo ng lahat sa kanila at bilang kapalit ng magandang pakikitungo at tulong sa kanila ay nanumpa ang tatlo na magiging magalang sa mga enchantress although sila naman ang masmakapangyarihan. Nabasa ko yun sa libro na binigay ni lea doon sa library.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now