Chapter 3

686 35 0
                                    

A/n: The cursed queen is on multimedia guyssss

(yumi's pov)

Takbo ako ng takbo habang di ko malaman kung sino ba ang humahabol sakin. Isang tinig ng babae ang tumawa ng tumawa habang lumilingon ako kung nasaan ito. Isang kamay ang biglaang humawak sa leeg ko at hinigpitan ang pagkakahawak kaya hindi na ako makahinga. Pilit kong tinitignan ang mukha ng babae pero itim na belo lang ang nakikita ko at ang nakangisi nitong labi na kulay itim.

"Yumi! Yumi! Gising!" Bigla naman akong napabangon ng marinig ang boses ni lea na kanina pa pala ako niyuyugyug. Nasa kwarto parin pala ako at nagaalalang mukha ni lea ang bumungad sakin.

"Binabangungot ka ba? At tyaka mukha ka nang patay ng makita kita." Anito at binigyan ako ng tubig. Tinanggap ko naman iyun at inisang lagok.

"Oo eh, ililigo ko nalang ito" aniya at bumango para maligo. Lumabas naman sya.

Nasa mundong kimyuna parin ako at kasalukuyang may sariling kwarto, kahapon lang pagkatapos nang mahabang tour doon sa realm of portraits ay diniretso na kami dito sa dormitory at binigay samin ang kanya kanyang kwarto pero kakaiba dito dahil sa iisang kwarto ay may dalawang kwarto sa loob na sakto lang para samin ni lea.

Lumabas na ako ng cr pagkatapos kong maligo at kinuha ang magiging kasuotan ko.

Hinatid kahapon ang magiging kasuotan namin para sa araw-araw na pagpasok sa eskwelahan. Ang ginagamit pala dito ay mga cloak na naayon sa kimyuna mo. Sinimulan ko ng suotin ang blouse na puti pero black yung linings at may logo ito sa gitna tapos yung skirt na plain black At isang black highcut na flat sandal at may kung anong accessories naman sa black cloak na susuotin ko na syang nagpapakinang nito. Sa isang banda naman ay napagpasyahan ko nang lumabas sa kwarto at madatnan si lea na nakacloak din at naka mini skirt at blouse sa loob.

"Bagay sayo yumi!! Hindi nga ako nag ka mali sa pagpili ng kimyuna mo" anito at ng nakangiti "Hali ka na at mahuhuli na tayo sa unang klase" tyaka ako hinila papalabas.

Nakayuko naman akong sinusundan si lea dahil nahihiya ako sa suot ko ngayon. Mukhang napansin naman ako ni lea dahil nilingon nya ako at tumigil sa paglalakad.

"Ba't ka ba nahihiya sa suot mo yumi? Di ba sabi ko bagay sayo ang suot mo! At tyaka, maputi ka pa nga eh tapos ang kinis pa ng kutis mo At isa pa, an enchantress must be confident. Okay?" Anito na ikinaangat ng tingin ko sa kanya. Napabuntong hininga ako tingin ko wala na ng akong magagawa. Tinutulungan ako ni lea kung pano mamuhay gaya nila kaya't gagawin ko ang lahat para hindi nila malaman na hindi ako kagaya nila.

"Pasensya na lea." Nahihiya kong salita at taas noo nang sinalubong ang mga matang nakatingin samin.

"Okay lang basta't natututo ka" masaya nitong ani at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

'sino sya?'

'diba pang enchantress ang suot na yan?'

'mukhang sya na ang kauna unahang enchantress sa eskwelahan na ito'

"Kauna unahan?" Takang bulalas ko ng marinig ang bulungan ng mga estudyante na nakapaligid.

"Oo, ikaw palang ang enchantress na nagaral dito. Dahil sa medyo may alitan ang mga council sa uri ng mga enchantress kaya hindi nila pinapayagang magaral dito ang mga batang enchantress." Paliwanag naman nito pero bigla nalang syang natumba.

"Harang harang kasi. Tsk!" napansin ko naman agad ang lalakeng nag salita, na may pulang buhok at maputi, makinis na mukha at may katangkaran o masyado lang talaga akong maliit? =_= Nakapoker face naman itong nakatitig samin. Binaba ko ang tingin ko at tinulungan si lea na tumayo.

LOST OF A HALF SOUL ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz