Chapter 20- Future

358 23 0
                                    

(Yumi's Pov)

Kinaumagahan ay nagsimula na naman kaming maglakad sa loob ng gubat, at malapit na kami sa paanan ng mount sacaar. Pinapakiramdaman namin ang paligid dahil malapit na kami sa mount sacaar, ang sabi ng admiral ay maaaring may umatake samin rito.

Dumaan kami sa dalawang puno na hindi kalayuan sa isa't isa na nagsisilbing gate ng bundok na ito. Pagkalagpas namin sa bundok ay biglang nagiba ang paligid. Kung sa labas ang makikita ko ay napakataas na bundok, ngayon naman ay madilim na paligid na patag, may mga puno sa paligid at mga tuyong dahon.

"Minamalat ba tayo?" Rinig kong tanong ni matt na nasa likuran ko. Hinanda ko ang sarili para sa maaaring mangyare sa pagpasok namin rito.

"This is bad" komento ni van. Napailing nalang ako sa kapraningan nila.

"This is the real mount sacaar. Yung dalawang mataas na puno ang nagsisilbing gate ng bundok at may barrier roon para hindi makalabas ang mga nilalang na nandito. At sa gitna ng gubat nito nakatira si cruela styn" paliwanag ni admiral. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at halos mangalahati na kami sa paglalakad ng biglang yumanig ang paligid na syang ikinatigil namin.

Hinanda namin ang aming mga sarili ng papalapit na sa pwesto namin ang mga malalakas na yabag. Napasinghap sila ng makita ang isang cretan bull na namumula ang mata at umuusok ang ilong. Marami sila at napapalibutan kami, sari saring reaksyon ang nakuha ko mula sa mga kasamahan ko.

"Is that? A--" naputol ang sinsabi ni gin at si aria ang nagpatuloy.

"Cretan Bull" salita nya. Napatsk naman si Bruce at hinanda ang sandatang hawak.

"I never thought they are real." Hindi makapaniwalang salita ni darcy.

Wala na akong nagawa ng bigla silang umatake samin kaya pinalinaw ko ang mga mata ko gamit ang pagpapalit nito sa kulay ginto. Nilagay sa ko sa pareho kong kamay ang lakas at malakas na sinuntok ang bull pero dahil masyado syang malakas nilabanan nya ang mga kamao ko na syang nakapagpaatras sakin. Wala na akong nagawa kundi ang maglabas ng force field sa katawan para mapalayo ang bull, hindi ko naman inasahan na mapupunta sya sa malayo.

Napadaing ako ng may isang inambahan ako at ginamit kong pangsangga ang kamay ko upang hindi nya ako makagat. Nang makabwelta ako ay malakas ko syang sinipa na ikina tapon nya sa tabi. Tumayo ako at pinagpag ang sarili ko, tinignan ko ang mga kasamahan ko at nakikita kong nahihirapan na sila. Tatlo sa mga bull ang umatake kaya hindi na ako nagatubiling maglabas ng malakas na force field na syang ikinatapon nila sa malayo at namatay, nagkaroon rin ng malaking butas ang kinatatayuan ko at napailing nalang ako. Lumapit ako sa kay bruce na hindi kalayuan sakin at malakas na sinuntok ang katawan ng bull na kalaban nya, agad namang natumba ito. Tipid ko lang nginitian si bruce at inayang pumunta sa mga kasamahan namin.

"Your eyes" biglang salita nya. Tumingin naman ako sa kanya at binalik sa daan ang paningin.

"Intense Gold?" Mahinang pagkakasabi ko sa kanya. Pero nagulat ako sa sinagot nito.

"No" madali kong kinuha ang salamin sa bag ko na hawak nya ngayon at tiningnan ko sa salamin ang repleksyon ko.

"Galaxy Gold" komento nya. Mahinang bumuntong hininga ako at kinalma ang sistema. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong gamitin ang mga abilidad ko, dahil ayukong mapansin nilang bigla bigla itong nagiiba ng porma. Kung gumamit ako ng 1\8 percent ng lakas ko, iiba na agad ang desenyo ng mata ko, magkakaroon ito ng mga stars na kulay ginto, kaya tinawag itong galaxy gold dahil para itong galaxy. Nang mapakalma ko ang umaapaw na enerhiya sa katawan ko ay naramdaman kong bumalik ito sa dati, yung normal na pagkakulay ginto.

"Never mind this" salita ko bago kami makalapit sa mga kasamahan ko.

Nagsimula na naman kaming maglakad ng matapos sila, kahit pagod ay wala kaming reklamo na sumunod kay admiral.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now