Chapter 10

428 28 0
                                    

(yumi's pov)

Nagising ako saktong oras para sa okasyon na mangyayare ngayon. Naligo at nagbihis ako ng itim na pang enchantress na damit, kulay dirty white at sleeveless, may kulurite rin ito sa may dibdib hanggang sa ibaba. Sinuot ko ang tiara na para sa noo na kulay silver at may puting bato sa gitna. Naglagay rin ako ng light make-up at sinuot ang flat sandal na may mahabang disenyo sa paa paitaas. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nakitang bumagay naman lahat sakin. Baka ito narin ang huling araw ko rito sa eskwelahan kaya mabuti ng mapagmasdan ko ng maiigi ang ayos ko habang narito pa. Kinuha ko ang patalim na ibinigay ng babae at sinukbit sa kaliwang binti.

Lumabas na ako ng unit at naglakad sa madilim na hallway. Mukhang lahat na ay nasa gym.

Narating ko naman agad ang gym at pumasok ng tahimik. Lahat ay masaya at nagsasayawan sa gitna, habang ako ay naupo nalamang sa bakanteng lamesa at kinakabahan. Natigil sa mga ginagawa ang lahat ng biglang magsalita ang isang guro sa harap.

"Good evening ladies and gentlemen. Sorry to interrupt your doing but our guest are already here. So please step a side and welcome our guest with a hand of applause." Maligaya nitong salita. Nagsitayuan naman kaming mga nakaupo at nakisiksik ako sa harapan ng linya upang kahit ngayon lang ay makita ko naman kung sino sino ang mga namumuno ng mga kaharian.

Bumukas ang malaking pinto ng gym at nagsipasok ang tatlong kawal na nakasuot ng battle suit at kulay emerald.

"From the West city, Emerald Kingdom, king Arthur Demion, and Queen Soleen Demion, guarded by their young warriors. Which they call them Masters to stand their side to create a new era." Rinig kong pakilala nang guro. Napansin ko naman agad ang mga nasa kaedaran ko lang na nakasuot ng battle suit, at sa gitna nila ay nandoon ang isang hari at reyna na masayang kumakaway sa mga estudyante, nakasuot sila ng panghari at reyna na kasuotan at may korona sa ulo. Siguro ay 2 years ang gap namin.

Nakasunod naman sa kanila ang napapalibutan rin ng mga kaedad ko lang na nakasuot ng battle suit na kulay Sapphire at sa gitna nandoon ang hari at reyna. Only thing i know is..

"From the South City, the Sapphire kingdom, King Kasuhiko Inglessor and Queen Penelope Inglessor. With their young warriors to fight for what is right" pakilala ng guro. Tama, si hiko ang haring walang emosyon at ang reyna nyang napakainosente kung tignan,gaya ng nakauna ganun rin ang suot nila ang kaibahan nga lang ay ang kulay ng mga damit. Sumunod naman rito ang kulay Amber na mga young woman wearing a battle suit at sa gitna naman nila ay si.....

"From the North City, The Amber Kingdom, King Zechariah Greyson and Queen Diana Greyson. With their young lady warriors." Pakilala ng guro. Ahuh.. thats right si Greyson ang sumunod. Walang emosyon lang syang naglakad kasama ang reyna nyang simple lang na ngumingiti sa taong kumakaway sa kanya. I somehow realized that we have the same personality.. napansin ko naman na napatingin sa gawi ko si Zechariah Greyson, ngumiti lang ako ng simple at sa babaeng kasama nya.

Sumunod naman sa kanila ang mga nakakulay itim na mga babae ring warriors at sa gitna nila ay nandoon ang hari at reyna na puro walang emosyon lang na naglakad.

"From the East City, Amazon's Kingdom, King Bryan Wesson and Queen Rozelle Wesson with their young amazons." Pakilala ng guro. Nakatingin lang ako sa hari at reyna ng tumingin rin sila sakin. Para akong hinihigop ng tingin nila, pero ngumiti ako para hindi ko gaano mapansin ang tingin nila. Nakalagpas na sila sakin ng sumunod naman rito ang babae at lalake na mga warriors na nakasuot ng kulay ginto na battle suit. Sa gitna nila ay ang isang lalake na gaya ng iba ay nakasuot ng panghari na kasuotan, hindi ito ngumingiti at hindi rin naman ito matatawag na nakasimangot. Bata rin ito na halos kaedad ko lang gaya ng nauna.

"And lastly the king of all kings. From the Capitol City, The safe haven kingdom. King Ercel Kelley. With his young Emperors." Pakilala ng guro. Doon ako nagsimulang makaramdam ng kaba. Lalo na nung tumingin sa gawi ko ang hari. He really looks like familiar.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now