Chapter 14

449 21 0
                                    

(Yumi's pov)

"Yumi! Halika! May pagpupulong sa gymn ngayon!" Nagmamadaling sigaw ni lea sakin dito sa hallway, dapat kasi pupunta ako sa library. Nagpatangay na lang ako kay lea dahil wala narin naman akong magagawa, tyaka para saan ba ang pagpupulong ngayon?

Dahil sa mabilis na paghatak sakin ni lea ay narating narin namin ang gymn ng madalian. Tama nga sya, maraming mga estudyante ngayon rito sa gymn. Mukhang lahat ng klase ay suspended. Kaya pala walang mga estudyante akong nakikita sa mga classroom na nadadaanan ko kanina.

Naghanap naman kami ng mauupuan ng makita ko sila inglessor sa may di kalayuan kaya ako na ang pumihit kay lea papunta sa pwesto nila inglessor. Nakangiti akong umupo sa tabi ni greyson at tumabi narin si lea sakin.

Tinuon ko na ang paningin ko sa stage ng makita kong umakyat roon ang mga professors at headmaster.

"Good afternoon students!"bati ng isa sa mga professor na may ngiti sa labi. Umingay naman ang mga estudyante at nagsitigil sila ng ikinumapas ng headmaster ang kanyang kamay, nang tumahimik na ang paligid ay kinuha nya ang microphone saka nagsalita.

"I just want to announced, that the capitol's kingdom is recruiting all of the students here to become a one of their valkery," huminto muna ang headmaster bago kami inisang tingin. Pero seryoso, bakit naman sila nangangailangan ng mga valkery?

"As long as you have the strength, power and courage to fight and sacrifice your life, YOU are qualified." Patuloy ng headmaster. Sari saring bulong ang namayani sa buong gymn, ang iba ay nagtataka ang iba naman ay parang masaya pa dahil makakasama raw nila ang hari ng capitol. Napailing nalang ako bago binalingan sila greyson kung ano banag reaksyon nila sa kalokohan na ito. Pero tanging nakita ko lang ay ang mga seryoso nilang tingin pero isa lang ang nasisiguro ko. Nagtataka rin sila pero hindi rin sila tutol.

"Starting tommorow. The capitol's Generals will come here to get the list of those who wants to join. Your class president will be the one to list those students who are capable and stronger enough to be one of the valkery. Remember, once your name is listed, accept it or not, YOU are qualified." Salita ulit ng headmaster. Napailing nalang ako sa kalukohan nila. Ibig sabihin lang nito, kahit na ayaw mong sumali. Dahil qualified ka wala ka nang magagawa kundi sundin ang nakatadhana sayo.

Nilingon ko naman si lea sa tabi ko dahil narinig ko syang bumubulong. Nakita ko namang napairap ito habang masamang nakatingin sa headmaster.

"Binibigyan lang talaga nila ako ng trabaho. Saklap naman" natawa naman ako sa ibinulong nito sakin. Mukhang magiging busy na naman sya dahil sa task na ito. Binalik ko sa harap ang paningin ko at nakitang ibinigay ng headmaster sa isang professor ang mikropono.

"After the list will finalized. Those students that were listed will be tested or will undergo a survival training. And if who will last till the end of the game will be one of the valkery." Salita naman ng professor. Sari sari na namang bulungan ang umugong sa paligid, sari saring komento nawala namang saysay dahil hindi naman ito pinakikinggan ng nakatataas.

"Thats all students, you may now leave. The classes are suspended for you to have time." Pamamaalam ng professor. Unti unti namang umalis ang mga estudyante.

---------------

Kinabukasan

"Kapag nakapasa ka na at maging isang valkery, you have to say goodbye to your friends and families. Dahil may tungkulin na kayo. In other words, para kayong nagpakasal dahil magagapos kayo roon at wala ng bawian. And, sa kingdom ng capitol narin kayo titira at maninilbihan. Pero kahit na ganun, magaaral parin naman ang mga napili pero sa loob lang ng isang buwan, kasama narin doon ang pagsasanay." Tumigil muna si lea at inisang tingin kami. Nagtuturo kasi sya ng tungkol sa mangyayare kapag naging valkery ka na.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now