Chapter 22

318 21 1
                                    

(Yumi's Pov)

"Who are you really?" Tanong nya na hindi ko na ikinabigla. Napayuko nalang ako at hindi alam ang isasagot.
Pakiramdam ko ay naubusan na ako ng lakas sa bilis ng pangyayare ngayon.

"Usapan na sa buong eskwelahan na hindi ka kauri namin. Wala kang kimyuna, at pekeng papeles ang ibinagay nyo, at nalaman ng konseho na kagagawan ito ng anak ni athena. Kaya pinagdudusahan nya ngayon ang kasalanan nyang pagpapapasok sayo rito sa mundo namin at pinagtakpan ka pa." Anya, kaya pala nasakulungan sya ngayon? Naaawa ako sa kanya pero mas nangingibabaw ang galit ko sa kanya sa kadahilanang pinatay nya ang kaisaisang kaibigan ko, noon at hanggang dito.

"Ano nang mangyayare sakin ngayon?" Hindi ko maiwasang maitanong. Pagod na ako. Pagod na akong magisip ng paraan para sa sarili ko. Pagod na akong hunarap sa mga problemang ito.

"Kaya ka pinababalik rito ay para kausapin ang headmistress at harapin ang parusang ibinigay ng konseho" paliwanag nya. Napapikit ako ng mariin sa mga sinasabi nya. Pagkadilat ko ay huminga ako ng malalim.

"Tatanggapin ko kung ano man ang parusa nila" sagot ko. Bigla naman nya akong hinigit paharap sa kanila.

"Yumi! Naririnig mo ba ang sarili mo? Ihaharap ka nila sa lahat ng estudyante rito at pabayaang husgahan at saktan hangga't gusto nila!" Inis nyang salita saakin. Napailing ako, nagbabadya mang tulo ang luha ko ay pinilit kung pigilan dahil ayukong sa pagharap ko sa problemang ito ay magmukha akong mahina. At tyaka, kahit na may alam na ako ay hindi parin sapat iyun na dahilan para takasan ko ang ginawa ko, may isang salita ako, at patas akong lumaban. Pumasok ako rito na hindi nila kauri, at tatanggapin ko ang gusto nilang parusa dahil roon. Ang unfair naman sa ibang nasa labas ng mundong ito na pinapangarap na pumunta rito kaso hindi pwede dahil iba sila sa mundong ito, tapos ako na walang alam noon ay nakapasok ng basta basta.

Napatigil kaming dalawa ng bumukas bigla ang pintuan at pumasok roon ang mga gwardya ng eskwelahan. Mahigpit naman akong hinawakan ni greyson sa kamay. Pumasok ang tatlong gwardya at lumapit samin.

"Ms.Hidward, dinadakip kita sa salang trespassing sa eskwelahan na ito, at sa pagtatago sa traydor ng eskwelahan na ito" isa sa kanila ang nagsalita na tingin ko ay punong kawal nila. Napayuko ako at tinanggala ng pagkakahawak ni greyson. Tumayo ako at nilahad sa kawal ang dalawa kong kamay. Isa sa kanila ang naglagay ng kakaibang posas at ang dalawa ang humawak sa magkabilang balikat ko. Muli akong lumingon kay greyson na nagaalala. Naapiling ako bago kinaladkad ng mga gwardya.

Nakayuko ako habang papalabas kami sa dormitoryo, ramdam ko lahat ng mga titig nila sakin na mapanghusga. Ilang building ang dinaanan namin hanggang sa mapansin ko nalang na iba na ang dinadaanan namin. Sa tabi ng opisina ng head, ay may pinto at doon kami pumasok.

Bumaba kami sa napakataas na hagdan paibaba sa madilim na pasilyo. Tingin palang ay nakakahilo na ito at parang parusa na para sakin, pakiramdam ko kasi nasa isang horror film ako dahil sa mga apoy sa bawat haligi na nagsisilbing ilaw sa dinadaanan namin, kahit na madilim parin dahil malalayo ang agwat nito.

Hapong hapo ako ng makababa kami sa mataas na hagdaanan, kahit gusto ko man tumigil na kami sa paglalakad ay ayaw naman nila, tinutulak nila ako para makapaglakad ako ng mabilis. Napairap nalang ako sa kabrutalan nila.

Lumiko kami sa pasilyo at napansin ko ang napakaraming selda na kung babasihin mo ay aabot sa dalawampu ang dami nang kwarto. Nilalagpasan lamang namin ang ibang selda hanggang sa makarating kami sa pinakahuling selda, pansin ko naman na halos lahat ay bakante at ibig sabihin lamang nun ay wala silang nahuli na mga estudyanteng lumabag sa batas nila, o sa buong bayan.

Napakatahimik rito at tanging tunog ng mga sapatos lamang ang maririnig at ang aming paghinga. Mali pala ang akala kong kami lang ang nandito, dahil meron palang isa.

LOST OF A HALF SOUL ✓Where stories live. Discover now